Dahil sa sunod-sunod na balita, sa paghihiwalay ng mga celebrity couples matapos maikasal, viral ngayon ang ilang mga larawan ng grooms sa industriya na makikita ang pagiging emosyunal sa kanilang kasal.
Ang mga grooms na ito ay ang mga napapabalitang hiwalay na ngayon sa kanilang asawa. Ilan sa mga ito, ay ang iyak ng aktor na si Tom Rodriguez sa kasal nila ni Carla Abellana. Ngunit, matapos ang ilang buwan ay naghiwalay kaagad ang dalawa.
Ilan pa sa mga nasabing groom ay sina Aljur Abrenica at ang pinaka latest ngayon, si Jason Hernandez na makikita ang pag-iyak sa kasal nila ni Moira Dela Torre. Ngunit nauwi lang din sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.
Maraming mga witty comments ang mga netizens tungkol dito. Ayon sa kanila ay kabahan na umano ang ilang mga celebrity brides na umiyak rin ang kanilang groom sa kanilang mga kasal baka umano mauwi rin ito sa hiwalayan kagaya ng mga nauna.
Sa Facebook post ng isang entertainment page, makikita ang larawan ng aktor-host na si Luis Manzano sa mga larawan ng mga grooms na umiyak sa araw ng kanilang kasal.
Ayon sa naging caption ng post na ito, kapag umiyak ang groom mo sa araw ng kasal umiyak ka na. Nagviral naman ang post na ito dahil nadawit ang larawan ni Luis Manzano na kasalukuyang masaya sa marriage kasama ang asawang si Jessy Mendiola.
Nakarating naman kaagad kay Jessy Mendiola ang nasabing post. Hindi nito naiwasang magalit at mainis sa tila ginawang katatawanan lamang ng admin ng nasabing Facebook page ang heart break ng iba.
Ayon kay Jessy, huwag na umanong dagdagan pa ng mga taong ito, 'yung mga negativity sa mundo. Huwag din umanong pagtawanan 'yung emosyon na nararamdaman ngayon ng mga celebrities na naghihiwalay.
Hindi naman kasi umano biro ang mga pinagdadaanan ng mga ito. Lalo na't kailangan pa ring ipagpatuloy ng mga ito ang trabaho kahit pa, may mabigat na dinadala.
Hiniling rin ni Jessy na huwag nang idamay pa ang pagsasama nilang mag-asawa. Lalo na't nananahimik sila ngayon ni Luis Manzano at naka-focus sa mga bagay na mas may kabuluhan.
Hindi na pinahaba ng aktres na si Jessy Mendiola ang kanyang mga komento sa mga isyung ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!