Pagkakaayos Ni Whamos at Ina Ni Antonette Gail Labis Na Ikinatuwa Ng Vlogger!

Miyerkules, Hunyo 22, 2022

/ by Lovely

Isang magandang balita ang ibinahagi ng social media influencer couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail. Ito'y matapos nilang ibinahagi na nagkaayos na sina Whamos at ina ni Antonette matapos malamang buntis na si Antonette.

Ayon kay Antonette, matapos malaman ng kanyang ina ang balita naging masaya ito para sa kanila. Pagbabahagi pa niya, mga kapatid ang una niyang sinabihan sa magandang balita. Matapos umanong marinig ng ina ang balita, kinausap na nito si Whamos at naging maayos na ang kanilang relasyon.

Ayon kay Antonette,

"Ang una ko pong sinabihan, syempre lahat ng pamilya namin. Ang mga reaksyon nila sobrang saya dahil may pinakamagandang blessing si God na ibinigay sa amin."

Matapos magkaayos ang ina at si Whamos, ibinahagi nila ito sa publiko. Marami naman ang natuwa sa balitang ito.

Saad pa ni Antonette,

"Okay naman ang relasyon ng ina ko at ni Whamos. 'Yung past napag-usapan namin, ganoon talaga maraming bagay ang susubok sa inyo but in the end, mabuti pa rin na okay ang family namin na nakapalibot sa amin."

Sa katunayan, kasama umano nila ang ina sa check up ng vlogger. Matatandaang nagkaroon ng hidwaan sina Whamos at ina ni Antonette. Nais bawiin ng ina si Antonette sa poder ni Whamos dahil ito'y menor de edad pa.

Matatandaang sa mga ibinahaging post ni Whamos tungkol sa pagdadalang-tao ng girlfriend, labis na saya ang makikita sa mukha nito.

Samantala, umani naman ng samu't saring komento mula sa mga netizens ang anunsyong ito ng couple. May ilang nagsasabing sana hindi maging kamukha ni Whamos ang magiging anak nila ni Antonette.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo