Pahiwatig Ni Carla Abellana Sa Pagtataksil Ni Tom Rodriguez Isiniwalat Sa Madla!

Huwebes, Hunyo 16, 2022

/ by Lovely

Tila hindi napigilan ng aktres na si Carla Abellana ang sarili na gumawa ng aksyon na magiging usap-usapan ng mga netizens sa social media. Ito ang obserbasyon ng marami sa patuloy na ginagawa ngayon ni Carla Abellana.

Napansin ng ilang mga netizens ang ginawang pag-like ni Carla sa post ni Ai Ai Delas Alas. Ang post ni Ai Ai ay tungkol sa mga manloloko sa relasyon. Nakasaad sa naturang post,

"Don't cheat. If you're unhappy, just leave."

Namataan ng mga netizens na ni-like ni Carla ang post na iyon ni Ai Ai. Pero, hindi lang iyan ang ni-like ni Carla, ni-like din ni niya ang isa pang post ni Ai Ai na nagsasabing,

"Cheating on a good person is like throwing away a diamond  and picking up a rock."

Ayon kay Ai Ai, ang dami na niyang nakikitang social media personalities na sunod-sunod na naghihiwalay dahil sa pagtataksil. Kaya niya naipost ang mga naturang reminders.

Marami ang nagtaas ng kilay sa pagreact ni Carla sa mga post about sa cheating.

Matatandaang hiling ni Carla ang privacy sa gitna ng isyu ng paghihiwalay nila ng mister na si Tom Rodriguez.

Komento ng mga netizens, kung nais niya ng privacy ay sana umiwas muna siya sa pagbibigay reaction sa social media na maaaring pagmumulan ng iba't ibang speculation tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ng mister.

Samantala, sinabi naman ni Tom na mayroon siyang gag order. Hindi siya pinahihintulutang magsalita ng anuman hinggil sa isyu ng kanilang hiwalayan. Ani ni Tom,

"You all know a tiny fraction of an entire story. But one day the whole truth will prevail!"

Nakakaintriga rin ang mga nakaraang cryptic post ni Tom.

Tila walang kinakatakutan si Tom sa anumang malalantad na katotohanan sa kanilang hiwalayan.

Inun-follow na ni Tom si Carla sa Instagram habang si Carla naman ay nanatiling naka-follow sa aktor.

Tanging hiling ni Carla sa kanyang birthday ay maging masaya.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo