Panalo Na! Nawat Itsaragrisil Pinuntahan Si Herlene Budol Sa Pilipinas! Ipapanalo Si Herlene Budol?

Martes, Hunyo 28, 2022

/ by Lovely

Dumating na sa bansa ang may-ari ng Miss Grand International na si Nawat Itsaragrisil.

Ngayong araw dumalo si Nawat sa rehearsal ng Bb. Pilipinas Candidates para sa press presentation ngayong darating na July 5.

Ikinagulat ng mga netizens ng ipost ni Nawat sa kanyang official Instagram account ang video ni Herlene Budol na si Nawat mismo ang kumuha sa rehearsal ng Bb. Pilipinas candidates ngayong araw.

Tila si Herlene Budol lamang ang napansin ni Nawat sa lahat ng mga kandidata. Makikita at maririnig sa nasabing video si Herlene Budol na nagsasalita sa harapan mismo ni Nawat, ang may-ari ng Miss Grand International na nais mapanalunan ni Herlene.

Ayon sa isang mapakakatiwalaang source, si Herlene Budol umano ang nagugustuhan ni Nawat Itsaragrisil na manalo sa Bb. Pilipinas bilang Miss Grand International Philippines 2022. Dahil nang makita umano mismo at makilala ni Nawat si Herlene Budol ngayong araw, nagustuhan daw niya ito.

Ayon pa sa isang source, gustong-gusto umano ngayon ni Nawat si Herlene Budol, dahil nang malaman daw niya na sikat ito. Ayon kay Nawat makakatulong umano si Herlene Budol upang lalong sumikat ang kanyang pag-aaring pageant, ang Miss Grand International.



Dahil si Nawat na mismo ang nagpost ng video ni Herlene, pinaniniwalaan ngayon ng mga netizens na si Herlene Budol na ang napili ni Nawat at tila ito ang kokoronahan bilang bagong Miss Grand International Philippines ngayong darating na July 31.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo