Panig Ni Tom Rodriguez Sa Hiwalayan Nila Ni Carla Abellana, Ibinunyag Na!

Huwebes, Hunyo 16, 2022

/ by Sparkle

 

Tom Rodriguez, inilahad na ang kanyang panig sa hiwalayan nila ng aktres na si Carla Abellana. 

Ilang karanasan ng Kapuso aktor na si Tom Rodriguez nang mahiwalay kay Carla Abellana ang ibinahagi ni Ogie Diaz. Ayon dito, ilang kaibigan ni Tom ang nakausap ng comedian-talent manager na si Ogie. 

Ibinunyag ng mga ito ang umano'y mababaw na dahilan ng hiwalayan nina Tom at Carla. Sa kanyang recent vlog sa kanyang Youtube channel, sinabi ni Ogie na isang araw ay nabigla na lamang umano si Tom na nasa labas na ng bahay ang mga gamit niya.

Ginawa raw ito ni Carla matapos mabasa ang mga flirting message sa cellphone ni Tom, mula sa isang babae na hindi naman pinapansin ng aktor. Ginive-up daw ni Carla just like that yung relasyon nila Tom na napakatagal.


Ani Ogie, biglaan ang desisyon ng aktres na makipaghiwalay kay Tom sa kabila ng pitong taon na sila'y nagsasama. Dagdag pa niya, ang sumaklolo nga raw sa aktor ay ang kaibigan nito at nakasama sa reality show na Pinoy Big Brother na si Sam Milby. 

Wala naman daw pamilya dito si Tom na naninirahan sa Pilipinas at si Carla lang ang itinuturing nitong pamilya. Noon pa man daw kasi ay binalaan na ng aktres ang asawa na wag gayahin ang ama nitong si Rey PJ Abellana na naging matinik sa babae noon.

Marahil nga ay may trauma na ang aktres at meron ng isyu sa ganito kaya naman ayaw nitong mangyari ang ganoong bagay sa kanilang samahan. Sa ngayon ay nasa Amerika si Tom at nakatira sa mga kaibigan dahil wala itong kapera-pera.

May nagsabi rin umano kay Ogie na may mga raket na inaalok kay Tom pero hinaharang ito ng kampo ng aktres. Kung matatandaan nga, simula ng pumutok ang balitang hiwalayan sa pagitan nina Tom at Carla, wala ni isang salitang narinig sa magkabilang kampo.

Hanggang si Carla Abellana ay nag-anunsyo sa kanyang latest vlog na hiniling nitong irespeto ang kanyang private life. Ilang bagay ang ipinaliwanag at hiniling niya sa mga viewers. 

Aniya, "sana raw ay igalang ang kaunting pribadong bahagi ng kanyang buhay." Ito ay matapos siyang putaktihin ng samu't-saring komento sa mga cryptic post ng estranged husband na si Tom Rodriguez. 

"I would also like to take this opportunity to remind everyone that this is the youtube channel of Carla Abellana, that's me and nobody else. It's always been that way, so, I hope you remember that I am an individual first and foremost. It's never been a joint youtube account and the name of this channel contains only my name so, I believe it's just right to expect to see my face and hear my voice in every episode, right?", saad ni Carla.

Ayon pa sa aktres, alam naman niya na bilang artista ay isa siyang public figure pero sana daw ay galangin din ang ilang moments niya sa buhay na ibinabahagi niya sa kanyang mga subscribers. 

"Sana po maisip niyo po na hindi po madali para sa amin na mas palapitin pa po kayo at mas pasilipin sa mga pribadong aspeto ng buhay at trabaho namin. Kaya sana po, may konting regard and respect. Nowhere is it right to throw harsh comments and judgment, even on the internet.", mahabang paliwanag ng aktres.

Wala namang komento dito ang aktor na si Tom Rodriguez dahil kung maaalala ay nagparamdam ito nang may gag order sa panig ni Carla Abellana. 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo