Paolo Contis Naimbyerna Matapos Kumalat Online Ang Caldereta Ni Yen Santos!

Lunes, Hunyo 20, 2022

/ by Lovely

Hindi ikinatuwa ni Paolo Contis na naging topic sa social media ang nilutong caldereta para sa kanya ni Yen Santos.

Sa isang panayam, sinabi ni Paolo na nakaprivate ang kanyang Facebook account at kukunti lamang ang mga friends niya. Kaya pakiramdam umano niya, na tinraydor siya ng isa sa mga ito ng irepost ang tungkol sa nilutong ulam ni Yen.

Maliban dito, nagalit rin ang aktor sa dami ng mga nambash sa ginawa ni Yen. Giit niya, sobrang pakikialam na umano ito sa buhay ng may buhay.

"Masyado ng pakikialam sa buhay ng may buhay," himutok ng aktor.



Ang punto ni Paulo, nagmagandang loob lang naman si Yen na padalhan siya ng lutong ulam. Kung ano-ano na ang sinasabi ng mga bashers. Bakit hindi na lamang umano problemahin ng mga ito ang pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihin.

"Bash sila ng bash, busog naman ako," dagdag pa ni Paolo.

Inamin naman ni Paolo na napaparami ang kain niya kapag si Yen ang nagluluto ng ulam. Samantala, ibinalita naman ng aktor na hinihintay niya ang pagluluto ng adobo para sa kanya ni Yen.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo