Part 2: Baho Ni Flow G Muling Ibinulgar Sa Socmed!

Sabado, Hunyo 18, 2022

/ by Lovely

Part 2 ng pagbubunyag sa ng OPM Rapper na si Flow G.

Trending ngayon at pinag-uusapan ang sagutan online nina Angelica Yap aka Pastillas Girl at Mark Jayson na mas kilala naman bilang Makagago.

Sunod-sunod ang pagpopost ni Makagago ng diretsahang patama kay Pastillas Girl. Tinawag niya si Angelica na isang kunsintidor. Diretsahan ding nitong kinuntra ang sinabi ni Angelica na walang bahid ng panloloko si Flow G.

Nagpakita rin ng diumano'y resibo si Makagago ng panloloko ni Flow G kabaliktarang sa sinasabi ni Pastillas Girl.

Inaabangan naman nang lahat ang magiging sagot ni Angelica Yap. Hanggang naglabas si Pastillas Girl ng isang vlog na sagot sa lahat ng kanyang mga bashers at maging kay Makagago.

Samantala, ipinakita naman ni Skusta Clee ang suporta sa nasabing exciting part ni Angelica Yap. Sinabi ni Angelica sa nasabing video na matatanda na umano sila para makipag iskandalo pa. Pinagdiinan din niya na wala silang kinukunsinti o pinapanigan kina Skusta Clee at Zeinab Harake. Dahil pareho umano nilang kaibigan ang dalawa.

Minabuti umano nila na walang panigan para hindi sila madamay. Gayunpaman, dahil sa pakikisawsaw umano ni Makagago, tuluyan na silang nadamay. Pati umano ang mga problema nila na hindi na umanong dapat ilabas sa social media ay nabunyag pa.

Ngunit kahit ganun ang nangyari mas pinili nilang magkapatawaran at isaalang-alang ang kanilang pagmamahalan. Pinromote naman ni Skusta Clee ang video ni Angelica. Sa kanyang Instagram stories, sinulat niya ang isang sinabi ni Angelica na, 'Matanda na tayo para makipag iskandalo'.

Bilang sagot sa nasabing video ni Angelica Jane Yap, muling nagpost ng video si Makagao sa kanyang YT channel. Sinabi niya na hindi pa siya masyadong nati-trigger ni Angelica kaya hindi pa niya maipalabas ang ibang mga ebidensya ng umano'y pambababae ni Flow G.

Ngunit nagbigay naman si Makagago ng isang nakakaintrigang pahayag.

Inamin rin ni Makagago na maraming mga babaeng lumalapit sa kanya dahil sa ginagawa ng boyfriend ni Angelica ngayon. Sinabi din niya na mayroon siyang hawak na video ni Flow G kasama ang babae nito.

Sinabi naman ni MG na hindi niya ilalabas ang nasabing video dahil wala pa namang ginawa si Angelica na ikakatrigger niya.

Sa nasabing video ni MG mapapansin ang ilang beses niyang pagtawag ng Matured Girl kay Angelica bilang pang-aasar rito.

Ayon pa kay MG, nagpi-play safe ito kasama ng kanyang boyfriend at marami silang duming itinatago.

Sa kasalukuyan, ay wala pang ibinibigay na sagot si Angelica Jane Yap ukol sa bagong banat ni MG para sa kanila.

Umani naman ito ng samu't saring reaksyon ng mga netizens online. May mga nagsasabing tama umano ang sinasabi ni Angelica habang ang iba  naman ay pumapanig kay Makagago.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo