Inilabas ng COMELEC ang kabuuang SOCE ni President-elect Bongbong Marcos sa nakaraang halalan.
Ayon sa SMNI News,
Kabuuang P623.2 M ang nagastos ni President-elect Bongbong Marcos para sa kanyang kampanya.
Pasok pa rin ito sa P674 M expenditures limit para sa presidential elections.
Ayon sa isinumiteng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ni BBM, P624.68 M ang natanggap nitong kontribusyon kaya't nasa P1.4 M pa ang hindi nagagastos.
Matapos ilabas sa social media ang naging kabuuang gastos ni PBBM sa nakaraang halalan, hamon ng mga netizens na ilabas rin ng mga Presidential candidates ang kani-kanilang SOCE.
Si Ping Lacson ang kauna-unahang nag-sumite ng kanyang SOCE pero hindi ito inilantad sa social media.
Komento ng ilang mga netizens, na sana makita ng lahat ang mga SOCE ng mga tumakbo sa pagka-pangulo hindi lamang ang kay BBM. Ito umano ay upang malaman ng buong mamamayan ang kanilang nagastos sa kampanya.
Sa kabila ng samu't-saring komento, hiling ng lahat na maging maunlad ang bansa sa pamumuno ng bagong administration.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!