Matapos na magsumite ng kanyang SOCE si PBBM sa COMELEC ay nanawagan ang mga netizens na sana umano ay makita din nila ang naging kabuuan ng SOCE ni VP Leni Robredo.
Sa SMNI News ibinahagi nila, na ngayong araw ay dumating sa COMELEC Campaign Finance Office ang mga staff ni VP Leni Robredo para isumite ang kanyang SOCE sa pagtakbo pagka-pangulo nitong nakaraang halalan.
Maraming mga netizens ang nagsasabi na napakalaki umano ng naging SOCE ni Vice President Leni Robredo dahil na rin sa mga ads na maya't-maya ay mapa-play kapag nanonood sa Youtube o anumang social media platforms.
Pagtatanggol naman ng iba na maaring may nag-sponsor sa ilang mga ads. Hiling ng ilang mga netizens ngayon na ipakita umano ni VP Leni ang kabuuang inabot ng kanyang SOCE. Kagaya ng kay BBM na ipinakitang umabot sa mahigit 200 million ang SOCE.
Komento ng ilang netizens, na siguradong malaki ang nagsto ni VP Leni ngunit hindi sasabihin ang lahat lalo na ang mga TF ng mga artistang present sa kampanya nito. Dagdag pa ng ilan, na tiyak ang laki ng gasto ito dahil kabubukas pa lamang ng video sa Youtube ay patalastas na agad ni VP Leni ang makikita.
Pagbibiro naman ng iba na tiyak nakalamang SOCE si VP Leni kay BBM. Biro pa ng isa na tiyak matagal kung bilangin ang mga resibo lalo na't naka-tatlong box ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!