Naging matagumpay ang inauguration ni Vice President-elect Sara Duterte at nakita ang napakadaming tao na dumalo sa event sa Davao City.
Marami din ang natuwa sa naging talumpati ni Sara Duterte dahil una niyang pinasalamatan ang ating Panginoon, kaya naman siguradong-sigurado na ang ating bansa ay nasa mabuting kamay.
Inilagak ni Vice President Sara Duterte ang kanyang kalakasan, karunungan sa ating Diyos na lumikha. Samantala, nakakatuwa din ang mga taga-Davao dahil ipinakita nila ang kanilang suporta kahit na mainit.
Spotted naman ang nakakatuwang ngitian at tawanan ni PBBM at ang ina ni Vice President Sara Duterte na napakapretty, manang-mana ang ating Bise-Presidente.
Nandoon ang bagong Pangulo ng bansa na si PBBM para suportahan ang ating pangalawang Pangulo na si Sara Duterte.
Kasama ni PBBM ang kanyang maybahay, first lady Marcos at syempre ang kanyang anak na si Sandro Marcos.
Marami naman ang nakapansin kay Pres. Duterte at hindi na nga ito umalis sa kanyang pwesto hanggang medyo kinalabit na ito ng kanyang ex-wife. Natawa na lamang ang ex-wife sa kanyang partner na si Pangulong Duterte.
Marami rin ang nagsabi na sobrang masayang-masaya ang lahat dahil suportado ng Pangulo at pangalawang Pangulo ang isa't-isa.
Narito naman ang mga mensahe ng netizens sa natapos na inauguration ni Vice President Inday Sara Duterte-Carpio.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!