Rabiya Mateo at Jeric Gonzales Nag-unfollow Sa Isa't-isa Sa Ig; Break-up Natuloy?

Lunes, Hunyo 20, 2022

/ by Lovely

Natuloy na nga ba ang hiwalayan ng controversial couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales?

Ngayong araw ay nadiskubre ng mga netizens na hindi na pina-follow nina Rabiya at Jeric ang isa't isa sa Instagram.

Burado na rin sa account ni Rabiya ang mga photos nila ni Jeric.

Bago ito, kumalat sa social media ang mga larawan ni Jeric na may kahalikan na lalaki.

Ilang showbiz writer din ang sumakay sa issue at ibinunyag na may katotohanan ang mga lumalabas na tsismis kay Jeric.

Na-bash nang husto ng mga neitizens si Jeric dahil sa panloloko umano nito kay Rabiya. Kamakailan lang ay ibinahagi pa ng dalawa sa social media ang kanilang post-date night picture para itinanggi na hiwalay na sila.

Samantala, bukas ang PUBLIKO sa panig nina Rabiya at Jeric.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo