Rappler Journalist Sinisi Si PRRD Sa Pagkatalo Ni Vp Leni Robredo/ Nasungalngal Ni Jam Magno

Huwebes, Hunyo 23, 2022

/ by Lovely

Dinurog umano ni President Duterte ang opposition upang magbenifits daw si BBM at matalo si VP Leni Robredo, ayon sa isang mamamahayag ng Rappler. Lubos na nakinabang umano sa pagbanat ni Pres. Duterte sa opposition ay ang UniTeam o ang tambalan nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Subalit, matatandaan na lantaran rin ang paninira ng Rappler kay Bongbong Marcos noong kasagsagan ng kampanya. Ngunit hindi ito umubra dahil ibinoto pa rin si Bongbong Marcos ng 31 milyong Pilipino.

Isa ang Rappler sa mga kumagat noong sabihin ni President Duterte na weak leader si Bongbong Marcos Jr. Ginamit nila ito bilang advantage upang siraan si Bongbong Marcos habang pinapabango naman ang pangalan ni Vice President Leni Robredo na tumatakbo rin sa pagka-pangulo.

Sinagot naman ni Jam Magno ang nasabing mamamahayag ng Rappler at pinaalala na talo na sila. Ayon kay Jam Magmo, nanalo na si PBBM at natalo na si VP Leni.

"Hindi nakatulong sa kandidato ninyo ang paninira gamit ang online news ninyo."



Dagdag pa niya, tila naghahanap na lamang ng masisisi ang mga ito dahil hindi naging maganda ang resulta ng pagpapabango nila sa mga pangalan ng mga kasapi ng opposition.

Ayon pa kay Jam Magno, noong sinabi ni President Duterte na ayaw  nito kay BBM tuwang-tuwa umano ang mga ito. Pinagdiinan din nito na ang dahilan ng pagkatalo ni VP Leni ay dahil na rin sa masasamang ugali ng mga kakampinks.

Ipinunto pa ni Jam Magno na talagang inayawan na ng mga Pilipino ang mga nasa opposition. Dahil na rin sa labis nitong paninira sa kanilang mga katunggaling kandidato.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo