Rebelasyon Sa Hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana! | Saan Napunta Ang Pera Ni Tom Rodriguez?!

Lunes, Hunyo 20, 2022

/ by Lovely

Maraming mga netizens ang nagulat sa mga pahayag ni Tom Rodriguez noong June 17, 2022 ukol sa kanilang paghihiwalay ng asawang si Carla Abellana.

Bukod sa official statement ni Tom na ibinahagi ng kanyang manager na si Popoy Caritativo ukol sa paghihiwalay nila ni Carla Abellana. Marami ang na-curious ukol sa isang parte ng kanyang pahayag patungkol sa kanyang pera.

Naubos umano ang pera ng aktor, matapos nitong maloko ng mga taong pinagkatiwalaan niya. Bagama't hindi pinangalanan ng aktor kung sino ang tinutukoy niyang nanloko sa kanya. Dahilan upang mawala sa kanya ang mga pinaghirapan niyang pera.

Labis itong nakaapekto sa samahan nilang mag-asawa. Sa kabila naman sa problema sa pera, nilinaw ni Tom na 'ni minsan hindi niya pinagbuhatan ng kamay ang asawang si Carla Abellana.

Isa rin ang mag-asawa sa naging topic sa Showbiz Update vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh. Parte ng usapan nila ang pagkaubos ng pera ng Kapuso aktor sa kabila ng maraming projects na nagawa nito noon.

"May nakapagsabi sa akin na sumali sa isang negosyo noon o nag-invest sa negosyo itong si Tom na natalo siya ng more than kung hindi ako nagkakamali, 24 million." sabi ni Ogie.

Ano 'yan Nay natalo o na-scam?" tanong ni Mama Loi.

"Yun lang hindi ko alam kuna na-scam o nalugi ang negosyong kanyang pinasukan, kaya walang pera si Tom yun ang sabi sa akin. Pwede rin naman 'yan ideny o i-correct at aware daw doon si Carla sa pera na nalotlot de leon," sabi muli ni Ogie.



Sa ngayon ay nasa America si Tom kasama ang kanyang mga kaanak at mukhang doon muna niya susubukan ang kanyang swete sa pagsisimula ng bagong chapter ng kanyang buhay.

Samantala, hangad ng lahat na maging maayos na ang buhay nina Carla at Tom sa kabila ng masalimoot nilang paghihiwalay.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo