Usap-usapan ngayon sa social media ang recent trip nina Kobe Paras at Erika Rae Poturnak sa Bali, Indonesia. Mukhang pag-amin na lang sa publiko ang kulang para sabihing may relasyon ang dalawa.
Si Kobe ay anak nina Benjie Paras at Jackie Forster habang si Erika naman ay anak ni Ina Raymundo.
Kamakailan lang, araw ng martes, June 28, 2022 nag-upload si Kobe ng pictures sa kanyang Instagram account kasama si Erika at ilan sa kanilang mga kaibigan habang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia.
Sweet na sweet sina Kobe at Ericka sa ilang larawan kabilang na ang isang picture kung saan hinalikan niya sa tuhod ang romured girlfriend. Caption ni Kobe sa post,
"From Bali with love."
Makikitang nagkomento naman ng relieve emoji si Erika sa nasabing post ni Kobe.
Mayroon ding ibinahagi si Kobe sa kanyang Instagram stories na larawan nila na magka holding hands. May isa pa kung saan yakap-yakap nito si Erika.
Matatandaang, una silang nakitang magkasama noong June 15, 2022 sa isang beach trip. Ngunit wala pa silang tuwirang pag-amin tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!