Barbie Imperial, jojowain daw si Xian Gaza kung hindi siya nito inaaway noon.
Posible umanong jowain ni Barbie Imperial si Xian Gaza kung hindi lamang siya nito pinagtripan noon. Nirepost ni Xian sa kanyang facebook post ang video ni Barbie. Sa simula ng nasabing video, ay sinabi ni Barbie na hindi raw niya jojowain si Xian.
"Kay Xian Gaza, na-jojowain o trotropahin challenge ko na ito before. Sinabi ko talaga na hindi ko jojowain", maririnig na sabi ni Barbie.
Dahilan nga ay lagi raw kasi siyang inaaway ni Xian. Inalala rin ni Barbie ang mga efforts na ginawa ni Xian sa ibang mga babae, kabilang na siya.
"Siguro, if hindi niya ako inaaway palagi, bilang ma-effort itong si Xian, grabe nagpapa-billboard nga ito. Sa ibang bansa nga bumili ng flowers, ibibigay niya raw sa akin. Pero syempre, hurting pa rin ako sa lahat ng ginawa mo sa akin", saad ng aktres.
Nang malapit ng matapos ang video ay sinabi ni Barbie na pwede raw niyang jowain si Xian pero kailangan muna nitong patunayan ang kanyang sarili.
"But kung hindi mo ako inaaway palagi, pwede kitang jowain. Pero for now, kailangan mo pang i-prove ang sarili mo. So, pwede tayong maging tropa. PM ka lang sa akin."
Sa post naman na iyon ni Xian, tanging caption niya lang ay ang nakatag si Barbie. "PM sent"
Samantala, dahil nga dito ay umani na naman ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga fans nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!