Rita Daniela Buntis Na! Ken Chan Nagsalita Na Sa Publiko

Lunes, Hunyo 27, 2022

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon sa social media ang Kapuso actress na si Rita Daniela. Marami ang nagulat sa ginawang rebelasyon nito.

Inanunsyo ni Rita sa publiko, na siya ay nagdadalang-tao. Ginawa ng aktres ang announcement sa sa isang segment ng All Out Sundays noong linggo, June 26, 2022.

Ayon kay Rita, wala siyang balak na ilihim ang kanyang kalagayan, naghihintay lamang siya ng tamang panahon.

"Wala naman po akong planong ilihim ito. I just, naghahanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life," emosyunal na pahayag ni Rita.

Ibinahagi rin ni Rita sa social media ang larawan ng sonogram ng kanyang baby at proud na ipinakita ang kanyang baby bump. Kalakip ang isang nakakatouch na caption.

My child,

You came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.

Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord.

I can’t wait to meet you, anak.
Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita.♡

Nagp-abot naman ng mga pagbati ang ilan sa mga famous celebrities at mga kaibigan at katrabaho ni Rita.

Alinsunod sa anunsyong ito ni Rita, naging matunog naman ang pangalan ng kanyang ka-loveteam na si Ken Chan. Tanong ng mga netizens kung siya ba ang ama ng pinagbubuntis ni Rita.

Samantala, lumabas ang balitang hindi si Ken Chan ang ama ng pinagbubuntis ni Rita. Ang ama umano ng dinadala ni Rita ay ang non-showbiz boyfriend nito. 

Nagbigay naman ng mensahe si Ken Chan para kay Rita at sa baby nito sa pamamagitan ng isang Facebook post.

To you and your baby,
Miracles are worth their weight in gold, if not many times more. I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support and love to surround you and your baby.
As a friend, as someone who cares, I’ll always be here for you no matter what.
You’ve always been incredible and strong, and certainly, You.
You’ve got this, and without a doubt, you will only continue on to be that much more incredible, always.
I am so proud of you Rita Daniela.


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo