Kilala ang aktor at ngayo'y senador na si Robin Padilla at ng Queen of All Media Kris Aquino sa ilang mga artista na may matatapang na personalidad sa industriya sa harap o likod ng kamera. Tila ito ang dahilan ng pagkakalapit nila sa isa't-isa.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, ang naging past romantic relationship ng dalawa. Napapabalita noon ang pagdi-date nila at pagkakaroon ng relasyon, na naging komplikado dahil sa pagtutol ng ina ni Kris, na si Ex-President Corazon Aquino kay Robin Padilla na maging lover ng kanyang anak.
Ngunit ang kanilang ipinaglabang relasyon noon ay hindi rin nagtagal.
Sa kabila naman ng kanilang nakaraang relasyon, hanggang ngayon nanatili pa rin silang magkaibigan.
Solid ang kanilang naging samahan sa mahabang panahon. Sa katunayan dahil sa pinagdadaanan ngayon ni Kris sa kanyang sakit, nagbigay ng mensahe si Robin Padilla para dito upang palakasin ang loob nito.
Makikita sa post ng senador ang collage ng larawan nila ni Kris. Hiling niya ang lubusang paggaling nito.
Bukod rito, ikinagulat ng lahat ang pag-amin mismo ni Robin Padilla sa napakalaking nagawa ni Kris Aquino para sa kanyang pagpanalo bilang number 1 Senator.
Ayon kay Robin, nagpapasalamat siya kay Kris na kahit during campaign period, may sakit ito, ay tumulong pa rin ito sa kanya. Idinitalye ni Robin na noong makita umano ni Kris na mababa ang survey niya bilang senador, kinausap mismo siya ni Kris at inalok ng tulong.
Noong una ay tinanggihan umano ito ni Robin, lalo na't ang nais umano niya na makapag-focus ito sa pagpapagaling. Ngunit ginawa pa rin umano ni Kris ang inalok nitong tulong para sa kanya.
Kinausap at kinontak ni Kris ang lahat ng mga Governors, LGU Officials,at matataas na taong may paggalang at malalim na pasasalamat sa mga Aquino.
Kinausap umano mismo ni Kris ang mga ito para suportahan siya. Ni minsan umano ay hindi inisip ni Kris na nasa kabilang team siya. Bagkus, tinulunagn umano siya nito ng bukal sa puso.
Kaya naman labis ang pasasalamat ngayon ni Robin Padilla kay Kris Aquino. Dahil isa ito sa mga tumulong sa kanyang maging first senator.
Hiling ngayon ni Robin ang tuluyang paggaling ni Kris at mabuhay pa ito ng matagal.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!