Ruffa Gutierrez Lumipad Patungo sa Turkey sinundan sina Lorin at Venice Yilmaz Bektas

Huwebes, Hunyo 16, 2022

/ by Lovely

Marami sa mga fans ni Ruffa Gutierrez ang nag-aabang hinggil sa next chapter ng kanyang love life. Lalo na ngayon na nasa Turkey ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice para sa reunion nila ng kanilang ama na si Yilmaz Bektas.

Kung matatandaan na binanggit ni Ruffa sa isang panayam, na ilang beses na silang inimbitahan ni Yilmaz na magbakasyon sa Turkey. Pero hindi ito natutuloy. Sa tono ni Ruffa, tila umiiwas siya na magkaroon sila ng bagong yugto.

Aminado naman si Ruffa na si Yilmaz ang kanyang greatest love. Lalo na't ito ang ama ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice. 

Ngunit, tila na conquer na ni Ruffa ang kanyang fears. Usap-usapan ngayon na patungo na si Ruffa sa Turkey. Base sa kanyang latest post sa social media, makikita na tila nasa loob ng isang plane si Ruffa.

"Guess where I'm going??,"caption ni Ruffa sa nasabing post.

Tila nais ni Ruffa na pag-isipan ng mga marites ang mga susunod na mangyayari.

Hindi naman imposible na papuntang Turkey si Ruffa gayong nauna na roon ang kanyang mga anak. Makikita namang nag-eenjoy ang dalawa roon kasama ng kanilang ama at half sister.

Sa isa pang post sinabi ni Ruffa na nagca-crave siya ng isang Turkish breakfast. Palantandaan umano na pupunta siya roon.

Halos apat na taong nanirahan si Ruffa sa Turkey at naging part na rin iyon sa kanyang buhay. Kinikilig naman ang mga fans ni Ruffa dahil alam naman ng lahat na noong huling nagka-usap sila ni Yilmaz, sinabi nitong nagsisisi na sa mga nagawa noon.

Sinabi ni Yilmaz na siya talaga ang dapat sisihin kung kaya't nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila. Isa pang pambubulgar ni Ruffa, inamin umano ni Yilmaz na siya ang one true love nito at hanggang ngayon ay hindi parin siya nakakalimutan.

Ayon sa mga netizens baka madugtungan pa ang naputol nilang relasyon. Dahil pareho na silang mature at tila may puwang pa sa puso para sa isa't-isa. Kung sakaling mangyayari man ito, magsisilbing tulay sina Lorin at Venice sa muling pagsasama ng kanilang mga magulang.

Samantala, may ilang mga netizens naman ang hindi nagustuhan ang posibilidad ng pagbabalikan nina Yilmaz at Ruffa. Dahil naging masalimoot umano ang paghihiwalay nila noon. Nagbatuhan pa ang mga ito ng masasakit na mga salita.

Matatandaang sinabihan noon ni Yilmaz si Ruffa, na pinulot niya lang ito mula sa basura. Pinagbintangan naman ni Ruffa si Yilmaz na nananakit at kinukulong siya sa kabinet.

Gayunpaman, civil na sila ngayon sa isa't-isa at nagkaroon na ng communication dahil sa pagreach out ni Yilmaz para makita ang mga anak.

Abangan ang susunod na update kung saan nga ba papunta si Ruffa ngayon.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo