Ruffa Gutierrez May Nakakaloka Pero Nakakakilig Na Rebelasyon Tungkol Kay Yilmaz Bektas

Sabado, Hunyo 18, 2022

/ by Lovely

Ruffa Gutierrez may ibinuking tungkol sa pag-uusap nila ni Yilmaz Bektas via phone na ikinakilig ng maraming mga netizens na sumusubaybay sa kanilang buhay.

Marami sa mga tagahanga ni Ruffa Gutierrez ang nag-aabang kung madudugtungan pa ang relasyon nila ni Yilmaz Bektas. Hindi man naging maganda ang paghihiwalay nila noon, tila marami pa rin ang nagbibigay ng consideration sa mayamang business man. Lalo na't nasa edad na sila ngayon at mga mature na.

Binalikan namin ang ilan sa mga naging panayam noon sa mag-asawa lalo na kay Ruffa na kamakailan lang ay may ibinulgar na lalong nagpakilig sa kanyang mga tagahanga.

Matapos ng kanilang paghihiwalay noong 2007 at nagbatuhan ng masasamang salita, ay hindi agad naputol ang kanilang komunikasyon. Tumatawag pa rin umano si Yilmaz sa kanya at patuloy pa rin siyang sinusuyo.

Sa katunayan, noong umuwi si Ruffa sa Pilipinas kasama ng dalawang anak nila, si Yilmaz ay umalis rin sa bahay na tinitirhan nila noon sa Istanbul at namalagi sa Europe. Ayaw nitong umuwi sa kanilang tahanan na wala ang kanyang mag-iina.

Habang nasa Europe ito ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon ni Ruffa at nakikipagbalikan. Sa isang panayam sa The Buzz inamin ni Yilmaz, na siya ang nagkamali kay Ruffa dahil siya ay naging aggresibo dala na rin ng stress niya bilang isang business man.

Pero dahil mahal pa niya si Ruffa sa time na 'yun, sa tono ng kanyang mga salita ay tila hindi siya handa sa tuluyan nilang paghihiwalay. Sa katunayan, inamin din ni Yilmaz na hindi lamang si Ruffa ang kailangan niyang i-win back. Kundi ang mga magulang din nito na napagsalitaan niya ng masasakit noon.

Mahal umano nito ang pamilya at babalik siya sa Pilipinas para maayos ang kanilang relasyong mag-asawa.

Nangyari ang sinasabing bakasyon ni Yilmaz noong 2007. Niyaya siya rito ni Ruffa na bumisita sa Psychiatrist upang matulungan si Yilmaz na kontrolin ang kanyang ugali kapag ito'y nagagalit.

Ayon kay Ruffa, super sweet ni Yilmaz kung sa pagiging sweet ang pag-uusapan pero sobra rin ito kung nagagalit. Ito ang ayaw niya at hiniling niyang baguhin ito ni Yilmaz.

Dagdag pa ni Ruffa, na babalik siya kay Yilmaz kung babaguhin nito ang kanyang pag-uugali at kung willing itong mag-stay sa Pilipinas. Sa una sy sinabi ni Yilmaz na payag siya, kung nasaan umano ang kanyang pamilya, ay dapat naroon din siya.

Ganunpaman, ay tila hindi nag-progress ang kanilang usapan kaya tuluyan nang natuldukan ang kanilang relasyon.

Ilang taon ang lumipas muling nakapanayam si Ruffa hinggil kay Yilmaz at ayon sa kanya, ilang beses umano siyang inimbitahan ni Yilmaz na bumisita sa Turkey. 

Kahit umano dalhin niya ang kanyang mga kaanak at kaibigan ay welcome sa kanilang tahanan. Sinabi pa ni Yilmaz na kung sakaling magdadala siya ng ka-date ay okay rin. Ngunit sa huli ay nagpahabol si Yilmaz ng biro, kung totohanin umano ni Ruffa na magdala ng ka-date sa Turkey. One way ticket lang umano ang kunin nito. Dahil hindi na umano ito makakauwi. Syempre biro lamang ito ni Yilmaz pero naloka pa rin ang aktres.

 Si Yilmaz at ang kanyang mga anak ay nagbo-bonding ngayon sa Turkey at halos araw-araw umanong umiiyak si Ruffa. Ang iyak umano na iyon ay tears of joy dahil masaya na ang kanyang mga anak dahil nakasama na ng mga ito ang kanilang ama matapos ang labin limang taon.

Sina Lorin at Venice ay nagstay muna ng ilang araw sa bahay ng kanilang lola sa Turkey. Ngunit ngayon ay nakatira na sila sa mansyon ng kanilang ama hanggang matapos ang kanilang bakasyon.

Ayon kay Ruffa, nagpasalamat umano si Yilmaz sa kanya dahil sa pagpayag niya sa pagbabakasyon roon ng kanilang mga anak.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo