Ruffa Gutierrez NAG-REACT sa POST NI VENICE! MGA NETIZENS NA KINIKILIG PA RIN SA KANILA NI YILMAZ! BOTO KA BA?

Huwebes, Hunyo 23, 2022

/ by Aya Browse


Although kama-kailan ay sinabi ni Annabelle Rama na madalas ka-text ni Ruffa Gutierrez ang napapabalitang di umano'y boyfriend na si Herbert Bautista, pero tila nawala na sa sirkulasyon si Herbert nang simula ngang magpunta ang mga anak ni Ruffa na si Venice at Lorin sa Turkey at makasama ang kanilang ama. 


Kaya naman sigaw ng maraming netizens, sana raw ay magkabalikan na muli si Ruffa Gutierrez at si Yilmaz Bektas.
 
Na-annul man ang kasal ng dalawa noong 2012 pero maraming netizens ang tila gustong balikan ni Ruffa ang dati niyang pag-ibig na si Yilmaz. 

Inamin noon ni Ruffa na mahal pa niya si Yilmaz na iniwan niya noon dahil na rin sa nagkakaroon ng domestic violence. Pero tila pagdaan ng maraming panahon at after 15 years nga ay nakasama muli ni Yilmaz ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice, at doon nga ipinakita ni Yilmaz ang kanyang pagka-miss at pagmamahal sa mga anak. 

Kaya naman dahil dito, ilang mga netizen din ang naiisip na inembetahan din si Ruffa upang magpunta sa Turkey at doon nga ay biniro pa ni Yilmaz na pagpunta ni Ruffa sa Turkey ay pwede itong magdala ng date, kaya lang hindi na pababalikin ni Yilmaz sa Pilipinas ang ka-date ni Ruffa.
 
Sa puntong ito ay maraming netizen ang tila kinikilig at nagwi-wish nga na sana daw ay mapag-bigyan muli ang kanilang pag-iibigan.
 
Kaya naman sa kanyang Instagram, nagpasalamat si Venice Bektas sa lahat ng suportang nakukuha nila at ng kanilang pamilya mula sa mga netizens na talaga namang gustong-gusto ang kanilang mga pictures na ipinapakita at mga post habang nasa Turkey.
 
Narito ang mensahe ni Venice para sa mga fans:
"Thank you for alllll the love and support from you guys recently! Spending time with my family right now and really enjoying every moment to its fullest, will share content with you soon, living in the moment right now."



Samantalang ang kapatid nina Venice at ni Lorin na si Ilknaz ay tila binibigyan ng maraming time ang kanyang mga kapatid na ipasyal at mismong siya pa ang kumukuha ng mga pictures ng kanyang mga kapatid.
 
Si Ilknaz ay ang half-sister nina Lorin at Venice na sa kung saan nga ay nakatira ito sa Turkey. 

Sa puntong ito ayon sa mga netizens, sana daw ay dumating ang point na makasama muli ni Ruffa si Yilmaz upang makita rin nila ang spark. 

At mukhang dito na rin nagtatapos ang pagiging interesado ng mga netizens kung meron nga bang relasyon sina Ruffa at Herbert Bautista.
 
Wala pa namang comment si Ruffa Gutierrez tungkol sa mga request na ito ng netizens. Kaya naman sa kanyang comment sa Instagram ni Venice ay natuwa rin si Ruffa dahil for the first time ay nagshare nga ng photo si Venice kung saan nga ay kuha ng kanyang kapatid. 

[@iloveruffag: I heard the kwento!!!]

[@iloveruffag: What a miracle!!! You posted!!]




Narito ang ilang mga comments ng mga netizens:

"Waiting for you to go back to him with your beautiful ladies ruffa."
"Yeah right, ganda at pogi pa naman nila, sana magkabalikan."


"So beautiful Ms. Ruffa G... both physical and in heart... Kind-hearted mother that allowed his handsome ex-husband to spend time with their daughters... @iloveruffg MASARAP MAGMAHAL... kaya hindi madaling kalimutan n Yilmaz!!!"


"I admired your strength and how you raised your children without asking support from their father... You are indeed not only a beauty QUEEN but purity of your soul and being natural... GOD BLESS YOU AND YOUR CHILDREN!!"


"Sana magbalikan kayo ni yilmaz mas bagay kayo;)"


At marami naman ding mga Netizens na nagsasabing married na daw si Yilmaz kaya naman hindi na pwedeng magkabalikan sila Ruffa Gutierrez. Narito ang tila mga marites na comment ng ilang netizens:

"Yilmaz is married. Ruffa is in a relationship wih Bistek now. So, yeah, there's no 2nd chance. hindi sila si Popoy at Basha."

"edi wala. haha! but whether Yilmaz is married or not, they can't be together again, Ruffa is with Bistek now. respeto naman kay Herbert. lol"

Sa puntong ito ay tahimik naman si Ruffa tungkol sa kanyang bagong relasyon, kung meron nga ba. Pero marami namang netizens ang nagsasabing nakakakilig pa rin si Ruffa at Yilmaz. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo