Ruffa Gutierrez, nagbigay ng mensahe para sa dating asawang si Yilmaz Bektas. Matapos ang labing dalawang araw na bakasyon ng kanyang mga anak sa Istanbul, Turkey.
Nakakaiyak na tagpo ang bumungad sa mga tagasubaybay ng buhay nina Ruffa Gutirrez at Yilmaz Bektas. Ang kanilang mga anak na sina Lorin at Venice ay pauwi na sa Pilipinas mula sa kanilang maikling bakasyon sa bahay ng kanilang ama sa Istanbul, Turkey.
Hindi napigilan nina Lorin at Venice na mapaluha habang nagpapaalam sa kanilang ama na si Yilmaz Bektas. Sa video, mapapanood kung paaano pinaghahalikan sa noo ni Yilmaz ang kanyang mga anak na parang mga bata. Natural lamang ito dahil ganun ang trato niya sa kanyang mga anak fifteen years ago bago sila nagkahiwalay.
Samantala, aming napag-alaman na hindi ito ang magiging huli nilang pagkikita. Dahil may mga plano na sila sa susunod nilang pagkikita sa Pilipinas man o sa Turkey.
Anytime ay makakabalik naman ang mga ito sa Istanbul dahil kabisado naman nila ang lugar at at home naman sila doon. Nais din umanong pumasyal ng halfsister nilang si Ilknaz sa Pilipinas upang makilala ang mga naging kaibigan nina Lorin at Venice rito.
Naging malungkot man ang pamamaalam nila sa isa't-isa. Hindi naman dito nagtatapos ang lahat dahil sila ay muli pang magkikita. Ang kanilang amang si Yilmaz ay pwede namang pumunta sa Pilipinas lalo na ngayong tila okay na sila ni Ruffa.
Samantala, nagbigay naman si Ruffa ng mensahe para sa Pamilya Bektas hinggil sa pagbabakasyon ng mga anak sa poder ng kanyang dating asawa.
Narito ang kanyang buong pahayag,
12 days with their father after 15 years of not seeing each other was certainly a trip Lorin and Venice will never forget for the rest of their lives. I can’t wait to hear all about it when they get home in time for my birthday. 🎂
To my friends and followers, thank you for your messages. I may not be able to answer to all but know that I am grateful for each and everyone of you. 🤗
To families going through similar experiences, thank you for sharing your heartwarming stories with me. Reach out to your estranged loved one today and remember that as long as you’re alive, there’s always hope. May your past no longer block your view of the present. ❤️🙏🏻
To Yilmaz, Annem, Babam, Kesra, Nazo, Handan and to the Bektas family…
her şey için çok teşekkür ederim. 🧿
Till next time… xx
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!