Ruffa Gutierrez Nagsalita Na Hinggil Sa Balitang Siya Ay Papunta Sa Istanbul Turkey

Biyernes, Hunyo 17, 2022

/ by Lovely

Ruffa Gutierrez nagsalita na hinggil sa balitang papunta siya sa Turkey upang sundan ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice na kasalukuyang nagbabakasyon roon kasama ang ama na si Yilmaz Bektas at ilang mga kaanak nito.

Nagsimula ang balitang ito, matapos magpost si Ruffa ng isang larawan kung saan siya ay tila nasa loob ng isang eroplano. Sa caption ay inilagay niya ang,

"Guess where I'm going??"

Napaisip naman kaagad ang marami, na marahil siya ay papuntang Turkey. Dahil ayon sa ilang panayam ni Ruffa na ilang beses na umano silang inimbitahan ni Yilmaz na magbakasyon sa Turkey. Ngunit paulit-ulit umano niyang tinatanggihan.

Marami ang na-excite sa balitang susunod siya sa Turkey dahil umaasa pa rin ang ilan sa kanyang mga fans na magkaroon ng second chance ang love story nila ni Yilmaz. Ang alam kasi ng marami na mahal pa rin nila ang isa't-isa.

Sa katunayan, ibinulgar pa mismo ni Ruffa na isa sa mga naging usapan nila ni Yilmaz nitong mga panahong okay na sila sa isa't-isa, ay ang kanilang nakaraan at ang pagpapatawaran. Sinabi umano ni Yilmaz sa kanya na hindi pa siya nito nakakalimutan. Dahil siya umano ang greatest love nito.

Kapani-paniwala naman dahil hindi kaagad nag-asawa si Yilmaz. Si Ruffa naman ay ganun din dahil sa tuwing siya ay tinatanong, kung sino ang kanyang itinuturing na greatest love?

Ang isinasagot ni Ruffa ay si Yilmaz na ama ng kanyang dalawang anak.

Samantala, ngayong araw ay nagsalita na si Ruffa at sinabing mali ang hula ng mga netizens na papunta siyang Turkey. Siya umano ay nagtungo sa Butuan kahapon para sa isang hosting gig. Nagkaroon pa umano siya ng problema, dahil siya ay na-food poison at hindi natuloy ang pagsampa niya sa entablado.

"I wasn't heading to Istanbul yesterday. Grabeee I was en route to Agusan del Sur to host Bae Naliyagan 2022 Coronation Night. I made it to Butuan but didn't get to host due to food poisoning," ayon sa post ni Ruffa.

Ibig sabihin nito, mali ang karamihan sa sagot sa pagpapahula ni Ruffa kung saan sa papunta. Marami man ang nanghihinayang, sana'y maging masaya na lang lahat dahil in good terms na sila ngayon ni Yilmaz at civil na sa isa't isa. Higit sa lahat malaya na ang kanyang mga anak na magbaksyon sa lugar ng kanilang ama. 

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo