Sarah Geronimo, Lilipat Na Sa Gma 7, Kapuso Network

Lunes, Hunyo 13, 2022

/ by Sparkle

 

May balitang kumakalat na mapapanood na raw sa GMA-7 ang "The Voice Kids", na umere noon sa ABS-CBN. Balita din na nabili na daw ng Kapuso network ang rights ng reality singing search na "The Voice Kids".

Dahilan kaya natsi-tsismis na magbabalik na sa GMA-7 ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na isa sa mga coach ng nasabing reality talent show.

Sa paglipat na ito daw ni Sarah ay kasama din niya ang asawang si Matteo Guidicelli. Magaganap daw ang announcement ng paglipat ni Sarah sa gaganaping Thanksgiving nila ng network sa Shangri-La The Fort sa July 30. 

Wala namang kumpirmasyon mula sa GMA ang nasabing balita. Kung sakali nga daw na totoo na nabili na ang rights ng "The Voice Kids" at ang paglipat ni Sarah, posible kayang si Sarah ang maging host o mananatiling judge ng programa?

Sino kaya ang mga magiging hurado ng programa? Kaya eto ang ating abangan!  

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo