Sarah Geronimo, Sa Pagiging Kapuso.. Isa Daw Fake News

Miyerkules, Hunyo 22, 2022

/ by Lovely

Isa umanong fake news ang balitang paglipat ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa GMA Network. 

Matatandaang kumalat sa social media noon ang umano'y lilipat na ang singer-actress sa GMA7. Maging ang rights ng The Voice Kids ay nabili na umano ng Kapuso Network. Isa umano si Sarah sa uupong coach sa nasabing competition na eere sa GMA7 at makakasama umano niya rito sina Bamboo, Pops Fernandez at Julie Ann San Jose. Si Xian Lim naman umano ang magiging host nito.

Samantala, hindi naman kinumpirma ng GMA kung totoo nga ba ang usap-usapang ito.

Ayon sa isang chika, babalik na si Sarah sa ASAP Natin 'To ngayong darating na July. Gayunpaman, hindi pa rin regular na makikita ang Popstar Royalty. Isang beses sa isang buwan lamang umano itong mapapanood. Dahil gusto umano ni Sarah na mas matutukan ang pagiging asawa kay Mateo Gudicelli.

Busy din si Sarah sa pagrerecord ng kanyang bagong kanta para sa kanyang new album.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo