Sarah Geronimo, tuloy na tuloy na sa paglipat sa GMA Network?

Miyerkules, Hunyo 8, 2022

/ by Lovely

Halos dalawang taon na ang nakalilipas mula ng mapanood ng regular sa ABS-CBN ang singer na si Sarah Geronimo matapos nitong magpahinga sa showbiz. Subalit wala pa ring kasiguraduhan ang mga fans kung kailan ito muling masisilayan sa Kapamilya Network.

May mga bali-balitang lilipat na ito sa GMA7 at kasalukuyang nakikipagmeeting sa kanyang talent agency, ang Viva Entertainment. Bagama't hindi pa kumpirmado ang balita, naging matunog ang usap-usapan tungkol sa network transfer ni Sarah, matapos mapanood sa GMA7 noong nakaraang taon  ang Tala: The Film Concert ni Sarah.

Huling nagperform si Sarah sa ASAP noong January 3, 2021 at noong July sa parehong programa, nagkaroon lamang siya ng maikling pagbati para sa mga Kapamilya fans. November 8, 2021 nang huling gumawa ng project si Sarah sa nasabing network. Ito ay nang magsilbi siyang singer sa Christmas ID 2021 ng ABS-CBN.

May 2022 ng ipinakilala ng Kapamilya Network ang mga bagong uupo bilang hurado para sa second season ng Idol Philippines. Ito ay sina Regine Velasquez, Moira Dela Torre at ang mga bagong uupong judge na sina Gary Valenciano at Chito Miranda. Nawala sa line-up ng mga hurado sina Vice Ganda at James Reid.

Ayon sa bali-balita si Sarah umano ang dapat ipapalit kay James Reid ngunit bigla na lang hindi natuloy ang singer.

Ang talent manager na si Ogie Diaz ang nagbalita na si Sarah ang magiging hurado sa Idol Philippines.

Ayon pa kay Ogie Diaz, nawalan umano ng gana si Vice Ganda na maging hurado sa Idol Philippines dahil hindi natuloy si Sarah kaya nagback-out din ito.

Dahil walang proyekto sa ABS-CBN si Sarah naging daan na umano ito upang lumipat sa GMA7 si Sarah Geronimo.

Ayon naman kina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly, hindi na umano naibibigay ng ABS-CBN ang pangangailangan nina Sarah at Mateo.

Sa ngayon, ay wala pang inilalabas na official statement ang mag-asawa at maging ang Viva Entertainment tungkol sa kumakalat na balita tungkol sa network transfer.

Komento naman ng ilang mga netizens, na hindi umano lilipat si Sarah sa ibang channel dahil sa ABS-CBN siya nakilala.

Samantala, may mga netizens naman na nagsasabing dapat maging praktikal ng mag-asawa dahil sa hirap ng panahon ngayon dapat laging may pinagkukunan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo