Sen. Robin Padilla Wala Talagang Utang Na Loob Sa Bbm-sara Tandem--uniteam Supporters

Lunes, Hunyo 20, 2022

/ by Lovely

Lalong sumama ang loob ng maraming supporters ng tandem nina President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio kay Sen. Robin Padilla nang ibandera nito na sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at asawa nitong si dating First Gentleman Mike Arroyo ang "reyna at hari" ng kanyang kampanya.

Sa kanyang Facebook post, iginiit ni Robin na ang "secret weapon" niya kung bakit nag-number one siya sa senatorial race ay ang mag-asawang Arroyo at hindi sina BBM at Sara.

"Nabalitaan ni ninang (GMA) wala akong logistics. Nagsagawa siya ng mga conference at convention para sa akin. Inikot ako sa Pampanga at sa Iloilo. Sagot lahat ni FG. Wala akong kagastos gastos. Kaya ang naging katapos taposan Number 1 ako sa Pampanga! At kahit hostile ang iloilo sa Uniteam Ako ay nakakuha ng mataas na boto," aniya.

Hindi naman ito pinalagpas ng mga supporters ng UniTeam at na-bash siya nang todo.

"Sorry Robin pero binoto lang kita because of BBM po. It's true malaking part kaya number 1 ka ksi dumikit ka po sa BBM. Mananalo ka din somehow pero hindi no. 1."



"Robin Padilla kung hindi ka sabit sa uniteam hindi ka naging #1 sa senado now lang nmin nalaman n balimbing ka pla after 6years tignan natin kung maging number k padin #robinpadilla budol."

Asus! At ang mga napaniwala mo? Ano naman ang kwento mo? Hindi ka namin iboboto kung hindi ka dumikit kay PBBM."

"Nagsisisi ako kung bakit binoto kta Robin Padilla, sana si Atty Larry Gadon na lang nanalo mas deserve pa at my alam."

"Kung wala ang BBM SARA at UNITEAM nganga ka."

"Ang nagpapanalo sayo kming mga bomoto sayo. Secret weapon ka jan. Hindi ka sana nanalo kong hindi dahil sa mga kababayan at taga hanga mo isa na ang aking pamilya bomoto sayo."

"Nabudol mo kmi kaya ka nag number 1 bwahahha."

Kamakailan ay nairita rin ang mga UniTeam supporters nang ihayag ni Robin na isa si Kris Aquino sa mga nagpanalo sa kanya sa eleksyon.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo