Sharon & Kiko Reacts to Daughter Miel Pangilinan as Queer!

Miyerkules, Hunyo 15, 2022

/ by Lovely

 

Ngayong buwan ng hunyo ay ipinagdiriwang ang PRIDE month o ang buwan para sa mga members ng LGBTQIA+ community.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinahayag ng 17-year old daughter ni Mega star Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan na siya ay isang Queer.

Ginawa ito ni Miel sa pagpopost sa kanyang Instagram ng series of photos na hawak ang malaking rainbow flag na sumisimbolo sa LGBTQIA+ social movement.

Sinundan niya ito ng mahabang salaysay na ang kabuuan ng nilalaman ay ang kanyang pag-amin na isa siyang Queer. Nagpapasalamat din siya sa chance na maibahagi ang kanyang identity dahil alam daw niyang hindi lahat ng gaya niya ay may kaparehong prebilihiyo.

As a newly-out member umano ng LGBT community, aware daw siyang marami pa siyang dapat unawain at willing daw siyang paglaanan ng oras ang pagpapalawak ng kanyang pang-unawa.

Binati niya ang mga kagaya niyang "Happy Pride month". Marami ang agad na nag-abang sa reaksyon ng mag-asawang Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan ukol sa pagcome-out publicly ng anak nilang si Miel na siya ay kabilang sa Queer community. 

Hindi na pinatagal ng mag-asawa ang pagbibigay reaksyon nila dahil ngayong hapon, June 15, ay may sunod sunod na Instagram post ang Mega star tungkol dito.

Una ay inirepost ni Sharon ang coming-out post ni Miel sa kanyang Instagram account at sinabing suportado niya ang anak dito. Pagkalipas ng 30mins ay muling nag-post si Mega star.

Aniya, aware umano siyang tatawag ng pansin ang post ng kanyang anak pero siniguro niya dito na nasa likod lamang niya silang buong pamilya niya. 

Kung kaya umano niyang mang-unawa ng iba ay lalo namang hindi niya ipagkakait ang pang-unawa at pagmamahal sa sariling anak. Ang pinakahuli niyang post ay screenshot ng komento ng daddy ni Miel na si Senator Kiko Pangilinan.

"I love you my Yellie Bellie! Mama and I will always be here for you. Always. For certain. Forever. No more comma. The end of the paragraph. Amen."

Samantala, panay positive comments at feedback naman ang natatanggap ng Pangilinan family tungkol dito. May mga nagpahayag pa ng inggit kay Miel dahil sa pagkakaroon umano nito ng mga magulang na malawak ang pang-unawa sa mga ganitong bagay.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo