Inamin ni Kapuso actress Rita Daniela na buntis siya.
Naluha ang aktres nang ianunsyo niya ito sa “All-Out Sundays” ngayong Linggo, June 26.
“I’m so, so happy and proud to say that I am soon to be a mother!” anang dating ka-loveteam ni Ken Chan.
“Wala naman po akong planong ilihim ito. I just… naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” dagdag pa niya.
Sinasabing ang non-showbiz longtime boyfriend ang tatay ng ipinagbubuntis ni Rita.
Si Rita ang grand champion ng unang season ng “Popstar Kids”. Nakilala rin si Rita sa hindi inaasahang pagki-click nila ni Ken sa teleseries na “My Special Tatay”, kung nagsimulang mabuo ang loveteam na RitKen.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!