Sino si Ilknaz Bektas, ang panganay na anak ni Yilmaz Bektas?

Martes, Hunyo 21, 2022

/ by Aya Browse

 


Ang 23 years old na si Ilknaz Lauren Bektas, ang panganay na anak ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas mula sa dating karelasyon nito na si Selen Gorguzel Alkan. 

Siya ang half-sister nina Lorin at Venice, na anak ng kanilang ama kay Ruffa Gutierrez. 

Hindi maitatanggi na namana ni Ilknaz ang taglay na kagandahan sa kanyang inang si Selen Gorguzel Alkan na 43 years old ngayon at isang Turkish actress at popstar. 

Kilalang mahusay na mang-aawit si Selen. At noong Marso nitong taon ay nababalita ang divorce agreement ni Selen sa asawa niyang sikat na direktor na si Hamdi Alkan, matapos ang walong taon na pagsasama bilang mag-asawa.

Matatandaan noong 2003, ay naunang pumutok at naging maingay ang pangalan ni Selen hindi lang sa bansang Turkey kundi pati na rito sa Pilipinas. 

Nag-ugat ito sa naging panayam sa kanya sa isang kilala at nangungunang pahayagan sa naturang bansa na Hurriyet, na inilathala noong April 11, 2003. 

Dito ay matapang na ibinunyag ni Selen na siya ang naunang asawa ni Yilmaz o kaya hindi ito maaaring ikasal sa kahit kanino. 

Ayon sa Turkish newspaper na may headline ng kanyang storya, sinabi ni Selen na, "Yilmaz is married to me, he cannot get married." 

Nang mga panahong iyon ay kasal si Yilmaz sa beauty queen actress na si Ruffa Gutierrez. Base sa ulat ng pahayagan ay pinagpilitan sila na seryosong problema ang kasal ni Yilmaz kay Ruffa, at sinabi nitong may anak silang babae ni Yilmaz at lumalaki na ito, kaya ang balitang pagpapakasal nito ay nakaapekto sa kanilang mag-ina. 

Binanggit rin ni Selen na sa kanya ang bahay na tinutuluyan ni Ruffa sa Istanbul na ipinatayo ni Yilmaz para sa kanya. Pero sa isang panayam, nilinaw ni Yilmaz na pinatayo niya ang naturang bahay para sa magiging anak nila ni Selen kung saan nakatakda sana ang kanilang kasal noong 1997, pero hindi natuloy. 

"I am the only wife-- the first and last. I am part of his present, I am part of his future. Ako lang ang pinakasalan. We're very happy." Ito naman ang naging pahayag ni Ruffa Gutierrez sa YES magazine noong May 2003 issue, kung saan iginiit niya at sinigurado na siya lang ang nag-iisang babaeng pinakasalan at inilayan ng pangako ni Yilmaz at wala nang iba pa. 

Dahil sa patuloy na naglalabasang espekulasyon tungkol sa kung sino ba talaga ang unang asawa ay naglabas na ng open letter si Yilmaz noong taong ding iyon sa medya upang matuldukan na ang isyung ito at maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon at mga kwentong gawa-gawa lang. 

Sa kanyang mensahe pinabulaan ni Yilmaz ang mga akusasyon laban sa kanya at nilinaw at pinanindigan niya na si Ruffa lamang ang natatanging babaeng kanyang pinakasalan at wala nang iba pa. 

Pagbabahagi pa ni Yilmaz na totoong nagka-anak siya sa kanyang ex-fiance na si Selen noong 1999, at ito nga ay si Ilknaz Bektas, kung saan nakarehistro ang pangalan ng bata sa ilalim ng kanyang pangalan at dinadala nito ang kanyang apelyido. 

Ito raw marahil ang naging dahilan kung bakit nagkalat at inakala ng iba na may nauna siyang asawa. Ipinaliwanag din ni Yilmaz na dahil sa kanilang anak ay napagkasunduan nila ni Selen na maging civil at panatilihin ang magandang ugnayan sa isa't isa. 

Sa pagbabalik bansa ni Ruffa noong December 2006, kinumpirma niya na nagka-ayos sila ni Selen matapos ang mahigit dalawang taong hidwaan nila sa isa't-isa. 

Ganun pa man, kahit hindi raw sila magkasundo noon ni Selen ay hindi naman niya itinuring na iba ang anak nitong si Ilknaz at inako na parang kanya at pinakita rito ang pagmamahal ng isang ina. 



Katunayan noong nagdiwang ito ng kaniyang 8th birthday ay nagsagawa ng party si Ruffa para kay Ilknaz sa Istanbul. 

Dinaluhan daw ni Selen ang naturang celebrasyon na hindi na niya ikinagulat dahil sa nagpadala na ito ng email sa kanyang staff kung saan nais nito na makipag ayos. 

Kwento pa ni Ruffa na nilapitan siya ni Selen at dito nga ay pinasalamatan siya nito sa pag-oorganiza ng birthday party para kay Ilknaz. 

Matapos nito ay nagyakapan sila at nag-iyakan, sapat na para matuldukan ang naging issue nila noon, at mahalaga na kahit anong mangyari ay mananatili pa rin silang pamilya. 

Sa kasalukuyan, si Ilknaz Bektas ay nagta-trabaho bilang art dealer at consultant sa Galeri Artist, isang Istanbul base contemporary art gallery na inilunsad noon pang 1986. 

Base sa kanyang LinkedIn profile, si Ilknaz ay nagtapos ng kolehiyo sa Bilkent University noong 2020. May bachelor's degree sa Architecture at nitong taon ay nagbalik eskwela pa upang mag-aral ng design and visual communications sa Istanbul Bilgi University. 

Ayon naman sa kanyang instagram account, si Ilknaz ay pumasok sa summer program sa Parsons School of Design sa New York City. 

Ilan lamang sa mga nakalista sa work experience niya sa kanyang LinkedIn account ay dati siyang Investment Consultant, naging Hotel Manager din siya, at naging Intern.

Kung pagmamasdan ang kanyang Instagram feed, hindi maipagkakaila na isang art lover si Ilknaz, na hindi na rin nakapagtataka dahil sa trabaho niya. 

Mapapansin sa ibinabahagi nitong iba't ibang bagay na may kinalaman sa art, kung saan ipinapakita niya ang mga natatagong ganda nito na kadalasan ay tungkol sa mga paintings na may kakaibang tema at rebulto. 

Mababakas naman na pili at limitado lamang ang ibinabahaging mga larawan sa social media, pero isa sa mga naka-agaw pansin sa mga netizens ay ang pagkahilig ni Ilknaz sa mga hayop. 

Na kung saan ay makikita na may mga larawan siyang tila kuha sa isang farm na isa sa kanyang madalas na pinupuntahan. 

Base na rin sa kanyang Instagram feed, nakapag-travel si Ilknaz sa iba't ibang bansa tulad na lamang sa New York at Dubai sa UAE, at isa rin sa sport na pinaglilibangan nito ay ang paglalaro ng golf. 

Bukod sa taglay na ganda at tindig ay agaw atensyon naman sa mga tagasubaybay kay Ilknaz ang kanyang fashion style na ika nga ng iba ay pasok ito sa pagmomodelo! 

Sa instagram post naman ni Ilknaz noong March 25, 2022 ay may nagiisang post siya na larawan nila ng kanyang amang si Yilmaz na tila ba'y kuha sa isang dinner. 



Naging bukas na aklat na nga sa publiko ang kinahinatnan ng pagsasama nila Ruffa at Yilmaz at noong June 11, 2022 ay muling napag-usapan ang tungkol sa pamilya nila at sa mga taong may kinalaman rito. 

Ito ay dahil makalipas ang labin-limang taong pagkakawalay ay muling nakasama at nakita ni Yilmaz ang dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice. Naging madamdamin an pagtatagpo ng mag-ama sa international airport ng Turkey.

Ibinahagi naman ni Lorin sa kanyang Instagram post noong June 13, 2022 ang larawan nila ng kapatid na si Venice na bakas ang kasiyahang nadarama kasama ang amang si Yilmaz sa Turkey. 



Simula nang dumating sila sa Turkey, nagbabahagi sina Lorin at Venice sa kanilang mga social media ng mga larawan ng mga ginagawa nila kasama ang ama at iba pang mga kamag-anak doon. 

At isa sa kanilang nakakasama ay ang kanilang half-sister na si Ilknaz, na agad nakapukaw ng atensyon sa mga netizens. Sa naganap na reunion ay mapapansin naman ang kaligayahan sa magkakapatid na sa wakas ay nagkita na sila at magkaroon ng pagkakataong magkakilala pa ng lubusan.

Kung pagbabasehan ang mga instragram post at story ng mga ito ay mapapansin ang pagiging komportable nila sa isa't isa na animo'y matagal nang magkakilala na ika nga sa kasabihang ito na tinatawag na lukso ng dugo. 

Sa isang instagram post ni Ilknaz, ibinahagi niya ang isang larawang kasama ang kanyang mga nakababatang kapatid na sina Lorin at Venice. 



Hindi maiwasan ng mga netizens na maglabas ng reaksyon tungkol sa tatlong magkakapatid. 

May iba na ikinokompara ang itsura ng magkakapatid at sinasabing mas maganda si Ilknaz kesa sa dalawa ngunit marami naman ang nagtatanggol sa dalawang kapatid, sinasabing may kanya kanyang angking ganda ang mga ito kung kaya't hindi na rapat ikompara pa, at naki-usap din ang ilang netizens na sana'y wag sirain ang magandang relasyon ng magkakapatid na ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na magkita. 

Mapapansin naman ang palitan ng paghanga at pagsuporta ng mga magkakapatid sa isa't isa sa Instagram posts nila. 



Sa instagram story naman ni Ilknaz noong June 16, 2022 ay ibinahagi niya ang sweet photo noong bata pa sila tatlo. 



Sa post naman ni Lorin sa Instagram noong June 15, 2022 na kuha sa beach, isa naman sa nagkomento ng napakaraming puso ay si Selen Gorguzel. 



Patunay lamang ang mga interaksyong ito na may magandang ugnayan si Ilknaz sa kanyang mga kapatid. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo