Lantaran na ang relasyon nina Skusta Clee at ng napabalitang bagong girlfriend nito na si Aira Mae Lipata. Makikita sa social media account ni Aira na nakasuot ito ng jacket na pagmamay-ari ni Skusta Clee.
Agad itong nagviral dahil sa palitan ng komento nina Aira Mae at ng lalaking naging dahilan ng pagkikita nila ni Skusta Clee. Sa isang komento pinuri nito ang jacket na suot ni Aira. Agad namang sumang-ayon dito si Aira at tila proud pang sinabing mahal niya ang may-ari ng nasabing jacket na si Skusta Clee. Tumugon naman ito at sinabing siguradong mahal din siya ng lalaking nagmamay-ari sa jacket.
Tila nauwi na ang tikiman sa pagmamahalan, ayon sa mga netizens. Matatandaang nag-umpisa umano ang kanilang relasyon sa pambubugaw kay Aira kay Skusta. Dahil tila nagclick ang dalawa, mas pinili na ito ni Skusta kaysa sa kana-kasama nito na si Zeinab Harake kahit pa may anak na sila.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!