Superstar Nora Aunor May Malubhang Sakit, Di Na Makahinga, Humihingi Ng Panalangin

Sabado, Hunyo 25, 2022

/ by Lovely

Naikwento ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin na napaiyak siya ng malaman ang tunay na kalagayan ngayon ni Nora Aunor. Dahil dito, nabanggit ni Cristy na hindi lamang si Kris Aquino ang nangangailangan ng panalangin kundi maging ang nag-iisang superstar.

Nagbigay ng update si Cristy Fermin tungkol kay Nora Aunor na kamakailan ay itinanghal bilang national artist ng Pilipinas. Matatandaan na sa nakaraang awarding para sa mga nationa artist, hindi nakadalo si Ate Guy at ang kanyang mga anak na lamang ang tumanggap para sa kanya.

Sa latest episode ng online talk show ni Cristy Fermin na Showbiz Now Na, isiniwalat nito na naging emosyunal siya ng malaman ang kalagayan ng superstar. Ayon kay Cristy, hindi na umano pinayagan ang superstar ng kanyang mga doktor na lumabas sa ospital para personal na tanggapin ang prestihiyosong parangal.

Ito ay sa kabila ng paghahanda ng superstar para sa nasabing okasyon.

 "May sakit naman si Nora Aunor. Hindi naman niya kaya. Pinaghandaan niya 'to, sabi nga ng mga anak niya, nagpagupit pa raw ng buhok. Matagal na niyang pinaghandaan ang pinakamataas na antas ng parangal sa kahit sinong artista," ani ni Cristy.


"Nagpagawa pa raw ng damit, pero pagdating 'nung awarding, hindi niya kakayanin. Sabi, ayaw payagan ng mga doktor niya si Nora Aunor na umalis at lumabas ng ospital," dagdag pa ni Cristy.

Sinasabing hindi raw makahinga ng maayos ang superstar dahilan na kailangan niyang manatili sa hospital. Nang nalaman umano ni Cristy ang kalagayan ng superstar, inamin nitong napa-iyak siya.

"Kaya 'nung nalaman ko na hindi siya nakakahinga ng maayos, lagi siyang naka-oxygen, hanggang sa dalhin na sa ospital at binabantayan na, parang ang laka-lakas ng suntok sa puso ko talaga," ani Cristy.

Umapela rin si Cristy sa publiko na ipagdasal ang national artist na si Nora Aunor na kasalukuyang masama umano ang kalagayan sa hospital. Umaasa rin siya na malalampasan ni Nora Aunor ang pagsubok na ito sa kanyang kalusugan.

Hindi naman nito nabanggit kung ano ang sakit ng aktres na nagdiwang ng kanyang ika-69 na kaarawan noong nagdaang Mayo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo