Tiktoker Aira Lipata Proud Gf Ni Skusta Clee; Name Ng Rapper Ipina-tattoo Sa Katawan

Martes, Hunyo 14, 2022

/ by Lovely


Nawindang ang publiko sa TikToker na si Aira Lipata na ipina-tattoo ang pangalan ni Skusta Clee sa kanyang katawan.

Ipinost ni Aira ang selfie na ibinibida niya ang tattoo nitong Biyernes ng gabi sa kanyang mga social media accounts, pero sa kasalukuyan ay burado na ang post.

Binura rin ni Aira ang photos kung saan makikita na sweet na sweet sila ng rapper na miyembro ng Ex Battalion.

Kaugnay nito, ibinasura ni Skusta ang lahat ng mga photos niya sa Instagram sa hindi malamang dahilan.

Hindi na rin makita sa Facebook ang mga photos nila ni Aira na ipinost niya nito ring Biyernes.

Pero kung tahimik ang kanyang Facebook at Instagram pages, may mga pasaring naman siya sa Twitter.

"Kung kailan ka nawala saka ako pinagapala #Gaga," tweet niya. Bago ito, nagparinig din si Skusta ng "U cant...u just can't! Dumbass."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo