To the Next Level Na Ang Estado Ng Relasyon Ni Paolo at Yen!

Biyernes, Hunyo 17, 2022

/ by Lovely

Noong June 13, 2022 ipinagmalaki ni Paolo na ipinagluto siya ng kaldereta ni Yen Santos base sa photo na ipinost niya sa kanyang personal social media account.

Hindi napigilan ni Paolo na iflex ang luto ng rumored girlfriend niya na si Yen Santos. Makikita sa selfie niya kasama ang plastic container para sa rice at sa kaldereta. Ayon sa caption ng post ni Paolo,

"Kaldereta! Pero brown rice!! Thank you."



Iminention pa dito ni Paolo si Yen Santos. Natuwa naman si Yen sa appreciation ni Paolo. Sabi ni Yen kalakip ang lovestruck emojis, "my pleasure". 

Humirit naman si Paolo na adobo naman ang sunod na lutuin ni Yen. Pagbibiro namang tugon ni Yen,

"Abusado ka naman."

"Grabe ka naman, pagod agad," sagot ni Paolo.

Dati pang naiisyu sina Paolo at Yen nang magtambal sila sa isang pelikula. Minsan nang naiulat ang romantic late night date nila ni Yen. Pati na rin ang pahiwatig niya na patuloy ang komunikasyon nila. 

Noong kasagsagan ng campaign sorties nitong 2022 elections, humirit si Paolo sa kanyang Facebook na sa susunod ay isasama na niya si Yen sa kanyang hometown sa Bicol. Namataan rin silang nagdate sa mall noong March 2022.

Huling bahagi noong August 2021, nang magviral ang pamamasyal nina Yen at Paolo sa Baguio at Pangasinan. Sa pareho ring buwan ng hiwalay sina Paolo at partner nito for 6 years na si LJ Reyes. Pero pinagdiinan noon ni Paolo na hindi si Yen ang dahilan ng paghihiwalay nila.

Hanggang ngayon, ay hindi pa rin diretsahang sinasabi ni Paolo ang real score sa pagitan nila ni Yen Santos. Gayunpaman, nilinaw ni Paolo ang pangalan ni Yen at sinabing hindi siya ang dahilan sa break up nila ni LJ.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo