Toni Fowler Nag Walk Out Na Binastos Siya Ng Organizer, Tinanggal On The Spot!!

Huwebes, Hunyo 23, 2022

/ by Lovely

Toni Fowler nagwalk-out sa Man of the World, nabadtrip sa organizer!

Naimbyerna ang social media influencer at vlogger na si Toni Fowler sa nagdaang coronation night ng international male pageant, Man of the World noong June 18, 2022 sabado sa Baguio City.

Base sa inupload na video ng vlogger ay inimbitahan umano siya ng mga organizers na maging isa sa mga hurado sa coronation night. Nabastusan siya nang hindi natupad ang una nilang naging usapan kaya nilayasan na lamang niya ang naturang event.

"Bakit ba ako nagwalk-out? Masama 'yung loob ko ngayon, kasi the reason why nadito ako is to judge sa Man of the World. Pagdating ko ngayon, is parang nakikipag-negotiate pa raw kung judge ba ako o hindi but nasa VIP seat naman ako," pagkukuwento ni Toni.

Labis umano siyang nabastusan dahil nagpunta siya roon para maging hurado ngunit hindi naman pala ito ang ganap niya. Dagdag pa ni Toni, nag-invest siya ng panahon at gumastos din siya para sa kanyang outfit at hindi nagpabayad dahil charity event ito. Pagkatapos ay ganoon ang nangyari.

"Medyo busy kasi akong tao. Ito kasi 'yung mahirap eh, charity work 'to, hindi ako bayad. I'm just here to help kasi may magbebenifit nito na ibang tao kapag nagpopromote ka ng ganitong klaseng events. So, hindi worth ng oras ko ang ipinunta ko rito," pagpapatuloy pa ni Toni.

Nilayasan din niya ang hotel room na ibinigay sa kanya ng mga organizers dahil ayaw na niyang makipag-usap sa mga ito. Talagang na-offend si Toni sa ginawa ng mga ito sa kanya.

Humingi naman ng paumanhin ang mga organizers ngunit ayaw na ni Toni na kausapin ang mga ito.

"This is too much. Nag-dress ako for this, nagpatahi ako for this, nandito ako para magjudge at maging part ng coronation ng Man of the World dahil ako po 'yung kinulit, ate ko po 'yung kinulit,"dagdag niya.



Tinawagan naman ni Toni ang kanyang kapatid na si Mary Fowler para magsumbong sa nangyari sa naturang event. Sa huli naghanap ng panibagong hotel ang influencer kasama si Vince Flores pati na rin ang ibang member ng Toro Family.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo