Toni Gonzaga Balik Sa ABS-CBN! BBM Nakipag Meeting Sa Kapamilya Network

Miyerkules, Hunyo 22, 2022

/ by Lovely

Toni Gonzaga, bali-balitang magbabalik sa ABS-CBN Kapamilya Network.

Kumakalat ngayon ang balitang welcome pa diumano si Toni Gonzaga sa ABS-CBN kahit si President-elect Bongbong Marcos ang sinuportahan niya noong nakaraang election.

Ayon sa ulat, puwedeng-puwede pang bumalik ang aktres TV host sa Kapamilya Network dahil hindi naman siya tinanggal. Matatandaan na nagresign si Toni sa pagiging main host ng Pinoy Big Brother sa pamamagitan sa social media, ilang araw matapos niyang naghost sa proclamation rally ni Bongbong Marcos noong February.

Matatandaang, nakatanggap ng kaliwa't kanang pambabatikos si Toni dahil tinanggap niya ang mga UniTeam campaign rallies. Gayung alam naman umano nito na ilan sa mga nakasama nito sa partido ay mga bumuto sa pagpapasara ng kanilang home network ang ABS-CBN.

Nabasa lahat ni Toni ang pambabatikos sa kanya ng ilan sa mga dating kasamahan sa Network kaya na-provoke siyang magresign sa PBB at i-reccomend si Bianca Gonzales bilang kapalit niya.

Samantala, base sa ulat ng isang online news site, nakipagpulong na diumano ang mga official ng network  kay Toni. Sinabihan umano ng mga ito ang aktres na tatanggapin siya anumang oras.

Ayon sa source, importante at mahal ng ABS-CBN si Toni. Idinagdag pa ng site na nakipag-meeting din ang mga opisyal ng network kay President Bongbong Marcos. Hindi naman sinabi kung ano ang pinag-usapan ng dalawang kampo.

Komento naman ng ilang mga netizens sa balitang pagbabalik ni Toni sa Kapamilya network, huwag na umano itong bumalik pa doon dahil puro toxic ang mga artista. May nagsasabi pang, kailangan ng ABS ang presensya ng isang Toni Gonzaga.

Samantala, may hindi naman nasiyahan sa balitang pagbabalik ni Toni sa nasabing network at sinabihan pa itong traydor.


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo