Nauna nang inanunsyo ng mag-asawa ang kanilang hiwalayan sa publiko. Matapang na isinapubliko nila ang naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.
Sa pag-amin ni Jason sa kanyang pagiging unfaithful tila kinukwestiyon ng mga netizens ang kanyang gender preference.
Viral at mainit na pinag-uusapan ang picture ni Jason Hernandez na may katabing lalaki. Hinuha ng mga netizens na baka totoo ang balitang lalaki ang gusto ni Jason.
Naunang nang-intriga si Xian Gaza at sinimulan ang pagkuwestiyon sa pagkalalaki ni Jason Hernandez. Sa facebook ni Xian sunod-sunod ang pagpopost nito ng kung ano-ano pang-iintriga sa kakahiwalay pa lang na mag-asawa.
Ibinahagi rin nito ang nasabing larawan ni Jason na may katabing lalaki. Mabilis naman itong kumalat sa social media.
Kagabi, June 1,2022 nagsalita na ang kasama ni Jason sa larawan na nasasangkot sa kanilang hiwalayan. Nakita umano nito ang post ni Xian na pinagmulan ng samu't saring speculation. Nagpakilala siya bilang si Mac Merla na mula sa Cornerstone Entertainment at siya umano ang handler nina Jason at Moira.
Ayon sa kanya ang larawang kumakalat ngayon ay si Moira pa mismo ang kumuha noong nagbyahe sila papuntang Dubai. Sa huli naki-usap din ito sa mga netizens na umiwas sa mga maling speculation at iwasan ang pagpapakalat ng fake news.
Narito ang kanyang buong pahayag,
Saw this post of Xian which has become a subject of malicious speculation.Just for the sake of clarity, for those who do not know us, I am Mac Merla of Cornerstone Entertainment Inc. I am the handler of Jason and Moira. This was taken during our flight to Dubai for Moira's event which was taken by Moira herself.This is a very difficult time and we continue to pray for both of them.Pakiusap ko lang sana sa inyo bilang malapit nilang kaibigan na sana umiwas na tayo sa mga speculations na hindi nakakatulong sa napakahirap na sitwasyon na pinagdaraanan ni Moi and Jason.
Samantala matapos inanunsyo nina Moira at Jason ang kanilang hiwalayan nananatili na silang tahimik.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!