Tuloy Na Ang Paglipat! Sarah Geronimo Mapapanood Na Sa Gma 7

Miyerkules, Hunyo 15, 2022

/ by Lovely


Nagsimula ang mga usap-usapan ng paglipat ng TV Network ng mag-asawang Sarah Geronimo at Mateo Guidicelli. Ayon sa ilang mga sources, may magandang alok ang Kapuso Network para sa mag-asawa dahilan upang umalis ang mag-asawa sa Kapamilya Network.

Ngunit ang lahat ng mga ito ay mga usap-usapan lamang na kumakalat sa social media.

Usap-usapan din ngayon sa social media, ang umano'y pagkabili ng GMA7 sa rights ng isang reality singing search na The Voice Kids Philippines na dating napapanood sa ABS-CBN.

Ayon sa mga kumakalat na balita, mapapanood na sa GMA7 ang The Voice Kids na nakilala at sumikat sa Kapamilya network. Dahil dito, mas umingay ang balitang tuloy na ang paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA7 at soon mapapanood na siya dito.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Sarah Geronimo sa mga tumatak na judge sa The Voice Kids. Matatandaang nakasama rin niya sa nasabing search ang ilan sa mga award-winning singers tulad nina Lea Salonga, Bamboo at Apl. De. Ap.

Kung tunay man na nabili na ng GMA7 ang rights to air the reality singing competition na The Voice Kids, hindi naman malabo na magiging parte pa rin si Sarah Geronimo dito. 

Mukhang tuloy na tuloy na ang paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA7. Mukhang may nakalatag na ring proyekto para rito ang GMA7.

Samantala, hindi pa naman malinaw kung si Sarah Geronimo ay uupo bilang coach o siya ang magiging host ng The Voice Kids. 

Sa ngayon, hindi pa nagbigay ng pahayag ang GMA7 tungkol sa usaping ito. Ang mga balitang ito ay hindi pa mismo nanggaling sa mga official pages ng nasabing network. Kaya naman wala pang kumpirmasyon kung may katotohanan ito. 

Maging sina Sarah Geronimo at kampo nito ay hindi pa rin nagbigay ng pahayag tungkol sa mga bali-balitang ito.

Samantala, looking forward naman ang mag fans ng mag-asawang Sarah at Mateo sa matagumpay na career nito sa alinmang TV Network.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo