Tunay na dahilan ng hiwalayan ni Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas!
Pag pasok ng bagong milenyo nakatagpo at nakahanap ng bagong pag-ibig sina Sharmaine Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas, May 11, 2000.
Sa bansang France nag-krus ang landas ng dalawa. Naroon si Ruffa noon para maging reporter ng Century Productions ng Los Angeles para sa Cannes Festival, habang si Yilmaz naman ay nasa Cannes to buy a new boat.
Tila mala-pelikula ang eksina nang magkita ang dalawa sa isang restaurant sa France.
Kwento pa noon ni Ruffa, "I saw him at the restaurant, he came into the bathroom and smiled at me."
Kwento naman ni Yilmaz, "It was destiny, I swear to God I can't explain how she's coming to me, how we were starting to look at each other."
After their brief exchange of glances and smiles, Yilmaz wasted no time and made the next move. Hinanap nito ang hotel ni Ruffa at nang mga panahong iyon, hindi pulido ang English ni Yilmaz pero pursigido siyang makilala ang beauty queen actress ng Pilipinas.
Kwento ni Yilmaz, "I paid the reception desk, you know it's the festival and it's hard to book a hotel right away, but I said I want to stay in the room next to her, you know? And I stayed in the room next to Ruffa."
Dahil determinado, niyaya ni Yilmaz si Ruffa na makipag-date bitbit ang kanyang kaibigan para maging interpreter nito.
Masayang pagbabalik tanaw ni Ruffa, "We had coffee, everytime I would ask him something, his friend would interpret. But he was doing sign language, you know? Then he draw, tapos nakalagay 'I love you, can you be my girlfriend?'. And I said 'My gosh! You're so fast!' He doesn't waste time, he's so persistent. The first facts that he ever wrote to me, pinasulat pa niya sa bell boy doon sa hotel."
Aside from those sweet notes, the couple also remembered their funny verbal exchanges.
"Hindi ko sinabi sa kayang actress ako, sabi ko I'm a secretary. He didn't really buy it, pero 2 days lang naman akong nag-lie sa kanya nung magustuhan ko na siya... I told him the truth."
Nang banggitin na daw niya na siya ang Miss World second princess, hindi daw naniwala sa kanya si Yilmaz.
Tugon sa kanya ni Yilmaz, "I told her I'm a prince, but I don't care what she's saying, it's like I'm fall in love."
Isang buwan matapos ang kanilang date sa France, lumipad si Yilmaz papuntang Pilipinas para makita si Ruffa.
Yilmaz could still clearly remember his plane ride, "I thought it was just like 3 hours from Istanbul. Well, I'm sleeping like 6 hours, and when I would go look in my watch, still we not landed. And the flight attendant said, 6 hours more or something like that! And I wanna jump already!"
Matapos ang ilang buwan, si Ruffa naman ang pumunta ng Istanbul at nagulat siya bakit maraming paparazzi ang kumukuha ng litrato niya at ni Yilmaz.
Dito ay nagulat raw siya, kasi bakit sikat si Yilmaz kung siya ay isang business man lamang? Inisip ni Ruffa, baka nagsisinungaling umano sa kanya si Yilmaz, baka daw ito ay isang aktor o singer sa Turkey.
Makalipas ang ilang coast to coast date ng dalawa, naging official na rin sila. Pero noon pa man, napansin na ni Ruffa ang kakaibang ugali ni Yilmaz.
Aniya, mabait raw ito sa mabait, pero matindi pag nagalit na parang nawawala sa sarili. Pero hindi naman ito itinuring ni Ruffa na isang red flag, bagkos ay tinanggap at niyakap niya ang buong pagkatao ni Yilmaz.
Maging si Miss Annabelle Rama na kilalang maldita sa showbiz ay nagawa ring tanggapin ang pagkatao ni Yilmaz, na mahal ng kanyang unica hija.
Kaya taong 2003, nagdesisyon ang dalawang magpakasal, at ito ang kinikilalang pinaka-engrandeng kasal sa Pilipinas. Sa araw ng kanilang kasal, inanunsiyo ng dalawa na tatlong buwan nang buntis si Ruffa sa anak nilang si Lorin.
Okay na sana ang mga eksena sa buhay nila Ruffa at Yilmaz, pero matapos ang kasal, isang babae ang lumantad na nagngangalang Selen Gorguzel at siya raw ang first princess ni Yilmaz, ang umano'y unang asawa at meron silang isang anak.
Ang mga pahayag ni Selen ay inilabas ng largest newspapers of Turkey ang Hürriyet.
Bandera noon ng balita ang pahayag ni Selen na, "Yilmaz is married to me, he cannot get married." Pagpapatuloy ng balita, "My husband's marriage to Ruffa is naturally a serious problem. We have become used to his philandering but the news that he has gotten married is a different matter. We have a daughter, and she is growing up, such an event irritates both me and my daughter. If a person who is married in Turkey goes to a country applying Islamic law that permits to up to four wives, that is not a problem under the country's law. However, our Turkish laws forbid getting remarried when one is already married."
Sinagot nina Ruffa at Yilmaz and mga akusasyong ito ni Selen. Ayon kay Yilmaz, hindi siya kasal sa babaeng ito. Meron silang anak, pero engage lamang sila. "I was married on May 25, 2003 for the first and last time to Sharmaine Ruffa Gutierrez. There was nothing solemnized in marriage with anybody else before such date. Therefore, under the Turkish civil code, I have the right to solemnize a marriage for which I am fit in all aspects. I had a daughter from 1999 from my ex-fiance, Selen, having duly registered the child in my census log under my family name. We have mutually terminated this relationship in a peaceful settlement as to modern individuals. Since we have a child we have been maintaining our relationship on an appreciable level."
Sagot naman ni Ruffa sa paratang na siya ay isang kabit at walang batayan ang kasal nila ni Yilmaz, "I am the only wife, the first and the last. I am part of his present, I am part of his future. Ako lang ang pinakasalan. I am the only Mrs. Bektas, we are very happy."
Matapos ang kasalan sa Pilipinas, isang muslim wedding din ang ginanap sa Turkey, noong September 4, 2003. Pero lumabas rin ang balita noon na ang ama ni Yilmaz na si Muhittin BektaÅŸ na kaya raw ito yumaman ay dahil sa isa itong narcotics smuggler, ayon sa Turkish newspaper.
Sagot ni Yilmaz, "About the rumors that broke out about my father, Muhittin BektaÅŸ, his bank accounts with high deposits have been frozen due to alleged failure in making them declared, the trial has continued for about two years now. Since it was a big amount that was failed to declare, the press wrote speculative news predicting that such amount of moneys might have been earned from unfair deals such as gold, diamonds, arms, drugs, and oil smuggling."
Habang naninirahan sa Turkey, aminado si Ruffa na nahihirapan siya, lalo na't wala naman raw masyadong nagsasalita doon ng English at wala masyadong nakakaintindi sa kanya.
Nang mga panahon na iyon, maliit pa si Lorin at lagi ring wala sa tabi niya si Yilmaz, na laging may international trips dahil sa kanyang negosyo.
Napapabalita rin na mahigpit si Yilmaz kay Ruffa, at ayaw siyang pauwiin ng Pilipinas kaya umabot sa puntong tumakas ito bitbit ang 3-month-old daughter at umuwi ng Pilipinas at ang idinahilan noon ni Ruffa ay birthday raw kasi ng kanyang mommy Annabelle at nais niyang surprisahin ito.
Kahit pa medyo nagkakaproblema na noon sina Ruffa at Yilmaz, pinagtatanggol pa rin ni Ruffa ang mister. Aniya, kaya raw siya ayaw payagan ni Yilmaz na umuwi ng Pilipinas ay dahil baby pa si Lorin, pero aminado siyang naho-homesick na siya sa Pilipinas lalo na't napapansin niyang hindi mahilig si Yimaz sa mga celebrations.
Kwento ni Ruffa, "During yung special occassions diba like my mom's birthday, my dad's birthday, or Christmas, you know? Things like that. Yilmaz hates celebrating... like even for his birthday, tama lang sa kanya yung isang cake, kumain kaming dalawa lang."
Kahit kilalang matigas ang ulo ni Ruffa, tumitiklop siya kay Yilmaz lalo na pag nagagalit ito.
Aniya, "I've learned na huwag sabayan yung galit niya. Pag siya yung galit dapat tahimik lang ako. Pag ako ang galit, quiet din siya. Kasi kung pareho kami, oh my goodness, wala na, nagramble na."
Pero hindi kinaya ni Ruffa ang buhay nito sa Turkey at pagdating ng 2007, headlines ang hiwalayan nila ni Yilmaz. Ang dahilan umano ay cultural differences.
Ayon sa interview ni Ricky Lo noon kay Ruffa Gutierrez, "We did try very hard to iron things out but we failed. In the past 4 months that I've been here, Yilmaz and I tried to sort things out but things just wouldn't work out. Everything is final."
Dito lumabas ang katotohanan na abusive partner umano si Yilmaz. Physical at emotional abuse ang dinanas ni Ruffa sa kamay ni Yilmaz, at nang malaman ito ng kanyang pamilya, mismong si tita Annabelle ang nagsabi kay Ruffa na huwag na huwag babalik ng Turkey at dito nalang sila sa Pilipinas manirahan ng mga bata.
Isang saga war sa media ang naganap hingil sa sagutan nila Yilmaz at Ruffa. Muntikan pang idemanda ni Yilmaz si Ruffa hingil sa mga inilalabas nito sa media, pero hindi na niya ito itinuloy pa at hindi na tumungtong pa ng Pilipinas.
Sa kabila nito, hindi naalis ang trauma ng abusive relationship kay Ruffa, si Yilmaz din ang dahilan kung bakit hindi na naniniwala si Ruffa sa kasal.
Sa tuwing natatanong nito about abuse, naiiyak pa rin si Ruffa na animo'y parang kahapon lang nangyari ang mga masasakit na karanasan. Ayon kay Ruffa, hanggang ngayon takot siya kay Yilmaz.
Kwento niya, "Could you believe until now I'm still afraid of my ex-husband, even if he has invited me so many times to go back I don't want to go back because I have this notion in my head that he will kill me."
Sa kabila nito, hindi naman raw sa sinisiraan ni Ruffa si Yilmaz sa kanilang mga anak, pero si Ruffa din ang nagtaguyod kina Lorin at Venice na kahit hindi man siya kasing yaman ng kanyang ex-husband ay nagawa nitong maging mabuting ina at ama sa dalawang dalaga na siya lang mag-isa, kasama ang suporta ng kanyang buong pamilya.
Ngayon 2022 at nasa wastong edad na rin ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice, pinayagan na ni Ruffa na ma-reunite ang kanyang mga anak sa kanilang ama sa Turkey.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!