Tila hindi sinang-ayunan ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang mga pahayag ng kanyang ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.
Ayon kay Barbie Imperial, wala siyang masamang sinabi nang sila ay maghiwalay ni Diego Loyzaga. Ngunit hindi umano tama na sabihin nito, sa ibang tao ang mga bagay hindi naman niya sinabi. Ito ang kanyang reaksyon sa panayam kay Diego.
Ibinahagi ni Barbie sa kanyang Instagram stories ang isang clip mula sa panayam ni Diego. Kung saan sinabi nito na, sinabi umano ni Barbie na alam nitong hindi nag-cheat si Diego sa kanya. Kalakip ng nasabing story ang katagang,
I never said this.
Base sa pahayag ni Diego, sinabi umano ni Barbie na naniniwala itong hindi nag-cheat so Diego sa kanya. Sinabi rin ng aktor sa panayam na kahit ang mga kaibigan niya sa showbiz ay alam na hindi siya nag-cheat kay Barbie.
Tila tinutulan naman ng aktres ang mga pahayag na ito ni Diego at sinabing,
Never said anything bad after the break up. But I think telling people I said something I didn't say is foul.
Naglabas din ng pahayag ang Official Fan Page ni Barbie sa Twitter. Ayon dito,
Stop using Barbie's name to clean up your mess. Stop using her to clean your name. Barbie never said that she is aware that you have not cheated on her. She never said anything like that. Stop telling lies.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!