Update: Hindi Pala Kaya Ang Talent Fee Ng Pop Superstar Sarah Geronimo

Huwebes, Hunyo 30, 2022

/ by Lovely

Matatandaang nagtrending si Sarah Geronimo dahil sa kumalat na balitang lilipat siya sa kabilang network. Maging ang sikat na kolumnistang si Cristy Fermin ay nagbahagi ng update sa umano'y paglipat nito.

Subalit ayon sa ilang official pages, opisyal nilang inanunsyo na muling magbabalik si Sarah sa ASAP Natin 'To ngunit hindi pa rin ito regular na napapanood. Lalabas lamang umano ang Popstar isang beses sa isang buwan.

Ito umano ay dahil sa dalawang rasong ito, una may ginagawang project ang Popstar na ipapalabas  bago matapos ang taon kasalukuyan. Bukod rito, tuloy pa rin ang pagrerecord ni Sarah G. ng mga bagong kanta para sa kanyang album na ipapalabas next year.

Pangalawang dahilan umano ng pagiging freelancer niya sa ASAP ay ang kanyang napakalaking talent fee. Matatandaang noong taong 2012, gumawa si Sarah Geronimo ng isang music video para sa mga sundalo sa AFP na pinamagatang Bayanihan Para sa Kapayapaan. 

Ang kanyang talent fee ay nagkakahalagang 10 million pesos. Ngunit, hindi ito tinanggap ng Popstar . Ibinalita rin sa iba't-ibang guesting ni Sarah Geronimo sa probinsya na ang kanyang talent fee ay umaabot sa dalawa hanggang tatlong milyon sa isang gabi lamang.

Ngayong walang prangkisa ang Kapamilya Network, ay hindi nila kayang suportahan ang apat na beses sa isang buwan na talent fee ng Popstar. Kaya isang beses lamang lalabas ang Popstar hanggang makabawi ang ABS sa kanilang annual sales.

Dito, mahihinuha na si Sarah Geronimo ang highest paid artist sa Kapamilya Network.

 

( Hide )
  1. True si Sarah GG highest paid artist

    TumugonBurahin
  2. sa galing naman ni sarah g. at napaka humble pa tama lng sa kanya ung tinatamasa nia...

    TumugonBurahin
  3. Walang bahid Ng anuman c Sarah G kaya napakataas parin Ng talent fee khit Anong iendorse nya na products nabibili noong pumasok sya sa showbiz thousand lang sya c Regine V Ang Namamayagpag noon ngyon c Sarah G naman.the best ka Sarah G congrats 👏👍

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo