Video Ni Flow G Na May Kasamang Ibang Babae Sa Sasakyan Viral Ngayon Sa Socmed

Martes, Hunyo 21, 2022

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon sa social media ang video ni Flow G na may kasamang babae sa loob ng kotse!

Panibagong video ng OPM Rapper na si Flow G ang viral ngayon sa social media. Sa nasabing video, makikita ang rapper na may kasamang babae sa loob ng isang sasakyan.

"Birds with same feathers will flock together," kasabihan na iniuugnay ngayon sa magkaibigang Flow G, Skusta Clee at King Badger. Ang magkakaibigang parehong nanloko sa kani-kanilang mga partner.

Kamakailan ay si Flow G ang nalagay sa hot seat dahil sa mga resibong inilabas ng vlogger na si Makagago. Kung saan, makikita ang palitan ng messages ni Flow G at ng itinuturong babae umano nito.

Matatandaang naglabas ng reaction video si Angelica aka Pastillas Girl, girlfriend ni Flow G, ukol sa nasabing isyu.

Ayon kay Angelica, pinili nila umanong ayusin ang isyu privately at nagdesisyong alalahanin ang mga masasayang moments nila na magkasama.

Sa kabila naman sa pag-aayos nila ng gusot na iyon, panibagong resibo ng pambabae ni Flow G naman ang lumabas. Sa isang video clip na kumakalat ngayon sa social media, makikita ang isang babae sa loob ng sasakyan ng ibaling nito ang kanyang kamera makikitang katabi nito sa loob si Flow G.

Umani kaagad ng samu't-saring komento ang nasabing video. Komento ng ilan na hindi na talaga magbabago si Flow G. Dagdag pa nila, "Once a cheater, always a cheater."

May nambabash at may ilan namang nagsasabi na matagal na ang videong iyon. 'Past is past' at hindi na dapat ibalik pa. Lahat naman umano ay nagkakamali at may itinatagong baho.

Sunod-sunod at tila walang katapusang isyu ang ibinabato sa mga Ex-Battalion members.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo