Wala Ng Lusot! Lani Mercado Ibinuking Na Kung Sino Ang Girlfriend Ni Sandro Marcos

Martes, Hunyo 21, 2022

/ by Lovely

Isa sa pinakainaabangang public personality ngayon ay ang anak ni President-elect Bongbong Marcos na si Sandro Marcos. 

Bukod sa pagnanais na sumunod sa yapak ng kanyang ama at lolo bilang isang public servant, may kakaibang hatak din ang charm ni Sandro sa publiko. Marami ang nag-aabang sa maswerteng babaeng makakabihag sa puso ni Sandro.

Kamakailan, ay nalink ang binata sa aktres na si Barbie Imperial. Ngunit, inamin ni Barbie na malapit na magkaibigan lamang silang dalawa.

Nitong nagdaang araw lamang, sa inauguration ceremony ni Vice President-elect Sara Duterte isang pagsisiwalat ang tila hindi inaasahang mabunyag ni Bacoor City Representative Lani Mercado tungkol sa totoong girlfriend ni Sandro Marcos.

Parehong dumalo sa inauguration ceremony sina Lani Mercado at Sandro Marcos. Sa muling pagkikita ng dalawa sa nasabing event, hindi sinasadyang nabanggit ni Rep. Lani ang dapat sana'y secret relationship nina Sandro at ng girlfriend nito.

Ayon mismo kay Rep. Lani,

"Hello Sandro, ang girlfriend mo pala is taga-Bacoor?"

Sinang-ayunan naman ito ni Sandro ngunit sa huli sinabi nito kay Lani na dapat ay secret lamang ito.

Dahil sa insidenting iyon, naglabasan naman ang sunod-sunod na mga articles na tila nagkukumpirma kung sino ang tinutukoy ni Ms. Lani Mercado na girlfriend umano ni Sandro Marcos.

Ayon sa isang article na inilabas mula sa isang kilalang showbiz portal, ang tinutukoy umano ni Ms. Lani na girlfriend ni Sandro ay ang sexy actress at Lunch Out Loud co-host na si Alexa Miro. Ayon sa mga lumalabas na balita, matagal na umano ang kanilang secret relationship.

Itinago umano ng mga ito ang kanilang relasyon dahil may tumututol rito. Kumakalat din ngayon sa social media ang mga larawan nina Sandro at Alexa na magkasama. Kung saan makikitang very close talaga sila sa isa't-isa.

Samantala, nananatiling tahimik sina Sandro Marcos at Alexa Miro tungkol sa mga kumakalat na balitang ito.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo