Wow! Marian Rivera ,may Bago Na Namang Titulo, Ano Kaya Ito?

Huwebes, Hunyo 23, 2022

/ by Lovely

Nag-eenjoy ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa bawat taping ng set-com nila ng asawang si Dingdong Dantes.

Mukhang na-miss ni Marian ang umarte at magtaping. Masaya rin si Marian sa mga kasamahan niya sa set-com na itinuturing niyang bagong pamilya.

Tuwing break umano nila, nagsasayawan sila at nagtitiktok. Marami ang natutuwa sa pagtitiktok nito. Ayon pa sa kanila pwede na ring tawaging  Reyna ng Tiktok si Marian kung kanyang kakareren.

Kung pagsasayaw ang pag-uusapan talagang hindi nagpapahuli si Marian dahil sa galing at husay niyang sumayaw.

Ayon pa sa balita, tila bukas na rin si Marian sa pagkakaroon ng panibagong teleserye. Ito ay kung magiging maayos na ang lahat dahil iniisip pa rin nito ang kaligtasan ng kanyang mga anak. Kung sakaling mabigyan ng magandang offer ang aktres ay may posibilidad na tatanggapin niya ito.

Hiling naman ng mga fans ni Marian na sana ay muli itong gumawa ng mga teleserye dahil miss na nila ang pag-arte nito.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo