Wow! Sandro Marcos Ibinandera Sa Publiko Ang Girlfriend Niyang Si Alexa Miro

Miyerkules, Hunyo 22, 2022

/ by Lovely

Ibinunyag ng Bacoor City Rep. Lani Mercado na kasalukuyang in a relationship ngayon ang Ilocos Norte Rep. na si Sandro Marcos.

Habang naka-Facebook live ito noong inauguration ni Vice President Sara Duterte. Nagkausap ang dalawa at dito nabuksan ang usapin tungkol sa lovelife nito.

"Hello, Sandro ang girlfriend mo pala ay taga-Bacoor, nakuwento ni Bryan sa akin," saad ni Lani Mercado na kinumpirma naman ng binata. Pahabol pa nito na sa kanila lamang ang impormasyong iyon.

Ngunit, tila wala talagang sekreto na hindi nabubunyag dahil pinangalanan naman ng talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis kung sino nga ba ang jowa ni Sandro.

Sa Instagram ni Lolit Solis, tinukoy niya na ang girlfriend ni Sandro ay si Alexa Miro.

Talagang nagkaroon ng baptism of fire sa showbiz si Sandro Marcos, Salve. Usapan na nali link siya kay Alexa Miro, isang sexy starlet na kasali sa Lunch Out Loud. Bongga, crush ng bayan ang batang Marcos, heto at meron pala isang starlet na nakuha ang attention ng binata. Kaloka dahil isang achiever si Sandro na sa batang edad ay isa ng Congressman at hinuhulaan na mas mataas pa ang mararating sa larangan ng pulitika. Wala naman masama na ma link siya kay Alexa dahil pareho naman silang single. Hindi naman ibig sabihin ito na ang isang seryosong relasyon. Single at puwede mag mingle lahit kanino si Cong Sandro at tiyak na marami pa ang mali link sa kanya dahil prize catch siya na isang certified bachelor.Maraming babae na gugustuhin ma link sa kanya, kaya humanda na siya sa mga balitang tulad nito. Lalo pa nga at ngayon lang uli nagkaruon ng eligible bachelor na mataas ang premium para sa mga naghahanap ng Papa, hah hah hah. Huwag lang kay Gorgy at Salve ma link si Cong Sandro, ok lang, no problem. Binatang binata at pogi, shy not

Samantala, wala pang opisyal na pahayag sina Sandro Marcos at Alexa Miro ukol sa isyung ito.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo