Cristy Fermin Sinabing Hindi na Magtatagal ang Relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson!

Martes, Hunyo 7, 2022

/ by Lovely


Hindi naniniwala ang Kolumnistang si Cristy Fermin na magtatagal ang relasyon ng Kapamilya couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto. 

Sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na, kung saan kasama niya sina Romel Chika at Morly Alinio, isa sa naging paksa ng kanilang chikahan ang naging pahayag ni Julia Barretto ukol sa dati nitong karelasyon na si Joshua Garcia, na huwag muna itong makipagrelasyon.

"Baka naman may gusto pa siya kay Joshua. Baka naman sabi niya, 'antayin mo lang ako makikipaghiwalay ako," saad ni Morly.

Dito na pumasok si Nay Cristy at humingi pa siya ng paumanhin sa mga tao sa kanyang sasabihin ukol sa relasyon ng dalawa.

"Ako po, sorry po ah. Hindi ko nakikitang magtatagal talaga si Gerald at Julia. Pinag-aralan na natin 'yan kasaysayan ni Gerald. Alam naman natin 'di ba?"

Nadawit rin ang pangalan ng actresss-vlogger na si Ivana Alawi ngunit agad siyang dinipensahan ni Nay Cristy. Sinabi ni Nay Cristy na imposibleng ma-link ito sa aktor dahil hindi naman ito malandi. Pero si Gerald ibang klase, dagdag pa ni Nay Cristy.

Matatandaan, na bago pa man maging in a relationship sina Gerald at Julia ay magrelasyon ang aktor at si Bea Alonzo. Sa katunayan, ay may kumalat noong chika na habang magkarelasyon sina Gerald at Bea ay palihim na nagsimula ang relasyon nina Gerald at Julia habang nagkasama sa 2019 movie na Between Maybes.

Agad naman itong pinabulaanan ni Julia noon at sinabing wala naman siyang inaagaw. Marso naman 'nung nakaraang taon nang aminin ni Gerald ang kanilang relasyon sa isang exclusive interview niya kay Boy Abunda. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo