Yari! Ruffa Mae Quinto May Ibinulgar Sa Ugali Ni Robin Padilla, Mariel Rodriguez Hindi Makapaniwala

Biyernes, Hunyo 17, 2022

/ by Lovely


Sa nalalapit na pag-upo ng action star na si Robin Padilla bilang senador, marami ang umaasa na kahit papaano'y bubuti na ang kalagayan ng Pilipinas. Infairness, nagkaroon ng pag-asa ang mga Pilipinong bumuto kay Robin na nagluklok sa kanya sa unang pwesto sa naganap na senatorial race noong May 9, 2022.

Marami rin sa kapwa niya celebrities ang umaasa na maraming magagawa ang mister ni Mariel Rodriguez sa senado bilang mambabatas. Isa na riyan ang veteran comedian na si Ruffa Mae Quinto na malaki ang tiwala kay Robin na makakagawa ng batas para sa interes ng mga mahihirap at nangangailangan nating mga kababayan.

Sabi ng comedian, na proud na proud siya sa kaibigang aktor at very positive siya sa kakayahan at kabutihang loob ni Robin na siyang magiging sandata nito sa pagseserbisyo publiko.

Sa panayam kay Ruffa Mae sa naganap na presscon ng kanyang comedy show, nagbigay siya ng ilang incident kung saan napatunayan niya kung gaano kalaki ang puso ng aktor.

"Sobrang proud kaya ako sa kanya saka deserve naman niya 'yun. Si Robin dati ko nang nakasama sa mga pelikula sa Viva kami di ba. Ano talaga siya, mahilig siyang magbigay at tumulong. Alam niyo naman 'yun eh, uubusin para sa bayan," kwento ni Ruffa Mae.

Dito naibahagi ng komedyana ang naging karanasan niya noong nakasama sila ni Robin sa isang pelikula sa Viva ilang taon na ang nakakaraan.

Kung hindi kami nagkakamali iyon ay, Ang Kailangan Ko'y Ikaw na pinagbibidahan nina Robin at Regine Velasquez.

"Like noon, nagsho-shoot kami biglang may nagkakasakit, ang gagawin niya lahat ng pera niya ibibigay niya. Matitingga kami ngayon dahil dadalhin pa sa ospital, hindi lang bibigyan. Ganoon siya, sabi ko, 'worth it talagang maging senador. Kaya ako rin magsesenador na," natatawang chika ni Ruffa Mae.

Sa isang panayam ni Robin, sinabi niya na 100% siyang maglilingkod para sa bayan. 

"Lahat madali dahil wala namang mahirap kapag gusto mong gawin eh."

Ready na rin daw siya sa pakikipagdebate sa mga senate hearing at muli niyang ipinagdiinan na wikang Pilipino ang gagamitin niya sa kanyang speech.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo