Yilmaz Bektas Ayaw Pala Sana Payagan Umuwi Ng Pilipinas Sina Lorin at Venice Ruffa Gutierrez Naloka

Biyernes, Hunyo 24, 2022

/ by Lovely

Yilmaz Bektas ayaw sanang payagang umuwi ng Pilipinas ang mga anak dahil fifteen years itong nawalay sa kanya. Nais umano nitong fifteen years muna itong manatili sa kanyang poder.

Marami ang naiyak sa farewell video nina Lorin at Venice sa kanilang amang si Yilmaz Bektas at Ateng si Ilknaz Bektas. Hinangaan ng marami si Yilmaz dahil sa ipinakita nitong pagmamahal para sa mga anak. Tila ayaw nitong bitawan sina Lorin at Venice sa airport. Wala itong humpay sa paghalik sa mga noo nito.

Fifteen years man ang nagdaan ngunit tila ang turing ni Yilmaz sa dalawa ay katulad pa rin noong una silang nagkahiwalay noong maliliit pa lamang ang mga ito.

Samantala, sa It's Showtime, ibinulgar ni Ruffa ang isang usapan nila ni Yilmaz. Sina Lorin at Venice ay regular na nakikipagvideo call sa kanya upang magbigay ng update sa kanilang ginagawa sa Istanbul, Turkey. Isang beses nagpaalam umano sina Lorin at Venice na kung maari ay mag-eextend sila sa pamamalagi sa Turkey.

Nabigla siya sa sinabi ng kanyang mga anak at napabulalas ng mga katagang, no. Ayaw niya umano at hindi siya papayag at dapat umuwi ang dalawa sa araw ng kanilang napag-usapan. Sa puntong iyon, sumingit umano si Yilmaz sa kanilang usapan at sinabing, hindi niya pauuwiin ang kanilang mga anak. Fifteen years din umano dapat mag-i-stay ang mga ito sa poder niya.

Naloka umano si Ruffa sa sinabi ni Yilmaz ngunit kumalma naman marealize na nagbibiro lamang ang dating asawa. Nangyari umano ang usapang ito, ilang araw bago ang flight nila Lorin at Venice pauwi ng Pilipinas.

Samantala, napag-alaman namin na maaring bumisita sina Yilmaz at Ilknaz dito sa Pilipinas. Lalo na't nagpromise umano si Yilmaz na dadalawin ang kanyang mga anak sa Manila hindi lamang natutuloy dahil sa umano'y hidwaan sa pagitan nila ng ina ni Ruffa na si Anabelle Rama. Ngunit, ngayon na tila okay na ang lahat, may posibilidad na matutuloy na ang pagbisita ni Yilmaz sa mga anak.

Si Ilknaz naman ay nagkaroon na ng interes sa pagbisita sa bansa lalo na't marami na rin siyang Filipino followers. Sa kanyang Instagram, nagpaabot siya ng pasasalamat sa mga Filipino followers niya sa pagsuporta sa kanilang pamilya.

Masaya siya dahil maraming mga netizens ang natuwa sa naging reunion nilang magkakapatid.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo