Yilmaz Bektas Naging Emosyunal Ngayong Fathers Day Celebration Dahil Dito

Lunes, Hunyo 20, 2022

/ by Lovely

Dating asawa ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas naging emosyunal ngayong celebration ng Father's Day.

Naging napaka-special ng celebration ng Pamilya Bektas sa Father's Day kahapon June 19, 2022 lalo na't ito ang unang pagkakataon na makasama ang tatlong mga anak. Sa mga larawan at videong ibinahagi nina Loren at Venice kasama ang kapatid nilang si Ilknaz, makikitang naging emosyunal ang kanilang ama habang binabasa ang letter na mula sa tatlo niyang mga anak.

Nangyari ang kanilang selebrasyon sa isang restaurant habang sila ay nagdi-dinner. Sila lamang mag-aama ang magkasama upang masulit nasabing okasyon. Bukod sa letters, nagbigay din umano ng regalo ang bawat isa para sa kanilang ama. Labis umanong na-touch si Yilmaz sa effort ng kanyang mga dalaga. 

Sa post ng kanyang panganay na anak kalakip ang isang larawan na makikitang magkasama silang apat. Sinabi nito ang mga katagang,

"We are so lucky to have you in our lives Happy Father's Day."



Samantala, makikita naman sa comment section ng nasabing post ang pagsang-ayon nina Lorin at Venice. Si Venice ay nagkomento ng tatlong heart habang si Lorin naman ay nagsabing, "so so so blessed".

Bukd dito ay nagpost din si Ilknaz ng mga larawan kung saan makikita siya bilang maliit ang bata habang inaalagaan ng kanyang ama. Ayon sa mga netizens, talagang mapagmahal na ama umano si Yilmaz.

Komento pa nila na kung hindi siguro nagkahiwalay sina Ruffa at Yilmaz ay may marami umano sanang memories sina Lorin at Venice rito kagaya ni Ilknaz. Mukhang hindi naman nagtanim ng hinanakit ang mga ito sa kanilang ama, na ikinapuri naman ng mga netizens kay Ruffa.

Naging mabuti umano ang pagpapalaki ni Ruffa sa kanyang mga anak. Dahil ni katiting na galit ay hindi nila ipinakita sa kanilang ama.

Samantala, may kani-kaniyang post naman sina Lorin at Venice sa kanilang ama ngayong Father's Day.

Si Lorin ay nagbahagi ng mga picture ng ama noong ito'y medyo bata pa. Si Venice naman ay ipinapakita sa kanyang mga followers ang closeness nila ngayon ng ama. Tila walang bakas na sila'y nagkalayo ng fifteen years.

Siguradong hindi nila malilimutan ang panahong ito, kung saan sila ay nagkakasama.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo