Yilmaz Bektas Nagsalita Na Pero Nagpaalam Dahil Dito, Ruffa Gutierrez Lorin Bektas Venice Bektas

Huwebes, Hunyo 16, 2022

/ by Lovely

Maraming sumusubaybay ngayon sa buhay ng mga Bektas, ito'y matapos lumipad patungong Turkey ang mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice upang makipag reunion sa kanilang amang si Yilmaz Bektas.

Marami ang natuwa sa mga nangyayari at may ilan pang umaasang magkakabalikan ang dating mag-asawa.

Sari-sari ang mga reaksyon ng mga netizens sa mga post nina Lorin at Venice hinggil sa kanilang bakasyon sa Tuekey. Pinakaabangan ng lahat kung paano itrato ni Yilmaz ang dalawang anak na nawalay sa kanya ng matagal.

Na-satisfy naman ang ilan sa mga nakitang napaka sweet na ama ni Yilmaz sa kanyang mga anak. Noong hindi pa nagpunta sina Lorin at Venice sa Turkey, isang anak lamang nito ang nabibigyan ng pagmamahal at atensyon, ito ay si Ilknaz Bektas panganay na anak ni Yilmaz sa dating girlfriend bago pa maikasal ito kay Ruffa.

Si Ilknaz ay 3 years older kay Lorin. Ngayong nakikita-kita ang mga anak ni Yilmaz sa Tuekey, sinigurado nitong magkakasundo ang tatlo.



Asikasung-asikaso ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez sa Turkey na parang mga prinsesa.

Nagpost si Yilmaz ng isang video kung saan makikita siyang nakaupo sa isang parte ng kanyang yate at sinasabing siya ay naroon para sa bonding ng kanyang mga soulmates.

Kamakailan, ay pinagbigyan ni Yilmaz ang mga netizens na nais sundan ang kanyang social media accounts. Siya ay nagsimulang mag-accept ng mga follow requests na nais makita ang kanyang profile.

Subalit, tila na overwhelmed siya sa mga natatanggap na requests at tila naninibago sa mga nangyayari. Kaya naman ngayong araw ay nagpaalam na siya at magalang na sinabi na iko-close na niya ang kanyang account.

Ayon sa kanya, mas prefer niya umano ang private life. Ganunpaman, okay lang umanong i-follow ng mga netizens ang account ng kanyang mga anak para sa memories ng kanilang reunion.

Narito ang kanyang buong pahayag,

Hello Everyone,

I have been more active on my Instagram account to share our family's reunion with my girls with everyone. And upon your interes, I've accepted follow requests and shared the beautiful days spent with my daughters with you all.

However, I prefer to live my life in private. Therefore, I will be closing my Instagram account.

You can continue to follow my daughters account for more memories.

Thank you for your interest.

Take care of yourselves.

Best regards,

Yilmaz Bektas

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo