Yilmaz Bektas Protective Father sa mga anak nila ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice

Lunes, Hunyo 13, 2022

/ by Lovely


Dalawang araw matapos dumating sina Lorin at Venice sa bansang Turkey kung saan naninirahan ang kanilang ama na si Yilmaz Bektas. 

Sila ay very much welcome ng pamilya nila roon lalo na ng kanilang ama at kapatid na si Ilnaz Bektas.

Mula sa pagdating nila roon naging busy na sila sa pagbo-bonding. Nagpunta sila sa mga hair salon, kumain sa mga restaurants at namamasyal. Hindi lamang ang kapatid ang nakakasama nina Lorin at Venice, maging ang kanilang mga pinsan ay kasama rin nila.

Ang kanilang ama namang si Yilmaz ay hindi na sumasama sa mga girls bonding ngunit sa tuwing sila ay kumakain, ay naroon ang kanilang ama at sinasabayan sila, upang masulit ang kanilang bakasyon at magkaroon ng quality time.

Isa sa mga nagustuhan ng mga netizens ay ang larawan nilang mag-ama kung saan nakaupo si Yilmaz habang nasa likod naman niya ang dalaga. Ayon sa mga netizens, kung titingnan sila ay parang magkakapatid lang. Parang hindi umano tumanda si Yilmaz, parang kuya lamang umano nina Lorin at Venice.

Samantala, tila mahihirapan din ang mga lalaking puporma sa mga dalaga dahil si Yilmaz ay kilala rin sa Turkey bilang isang mayamang businessman. Hindi ito makakanti basta-basta ng kung sino-sino.

Sa isang IG post nagbahagi si Ruffa ng isang screenshot mula sa isang news page sa Turkey. Kung saan ibinalita ang pagkikita nina Yilmaz at mga anak nito kay Ruffa na sina Lorin at Venice. Pinagtabi ang mga larawan nito sa ama na tila sinasabing kamukha ng mga ito ang amang si Yilmaz.

Matatandaang, bago magpandemya ay nakapag-usap sina Ruffa at Yilmaz hinggil sa pagbisita ng huli sa Pilipinas upang makita ang dalawang anak.

Si Yilmaz umano mismo ang unang nag-reach out sa actress para sa reunion pero dahil dumating ang pandemya, hindi ito natuloy. Hanggang sa mapagkasunduan, na ang dalawang anak na lamang nila ang pupunta roon para magbakasyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo